AKIO Ang lakas ng tugtog, hindi ko kadalasan ginagawa ang magawi sa lugar na ito. But since Andrea and Harry asked, okay I will try to enjoy tonight. Minsan nga lang naman ang pagkakataong ito. Naupo kami sa isang sulok at nagsimula nang mag-order si Harry ng maiinom namin. Tumayo ako at hinila si Andrea. “Tara magsayaw tayo. Ayoko uminom.” “Ano? Sasayaw ka?” tanong ni Andrea. “Oo ayoko uminom kaya sa dance floor na lang tayo magsaya,” sabi ko pa. Lumingon si Andrea kay Harry at bumulong dito. Tumango-tango naman ang isang ‘yon at saka ito ngumiti sa akin. Senyas na lang ang siyang nagging language naming tatlo. Sumayaw kami ni Andrea sa gitna at parang wala lang lahat. I enjoy this time to be out of my comfort zone. Walang humpay na kasiyahan ang siyang tinatamasa naming. Lahat ka

