Akio Balik na sa dating buhay. Ang saya ng trip namin na halos ayaw ko na bumalik muna sa school. Maraming ginagawa at halos wala akong panahon sa sarili ko para mag relax. “Aki mauuna na ba ako?” sabi ng isang kaklase ko na kasama ko sa group presentation namin mamaya. “Sure mauna ka na. May tatapusin lang ako, magkita na lang tayo sa classroom ha,” saad nito. Naiwan akong nakaupo at nagiisa sa mesa. Nasa library ako at abala ako sa pagbabasa dahil sa nakagawian ko naman talaga ito. Napansin kong may naupo sa harap ko. Isang lalaking bago sa paningin ko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa ginagawa ko. “Madalas ka ba rito?” basag niya. “Huh?” untag ko. “Bakit?” tanong nito. “Anong bakit? Who are you?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit siya naupo sa harap ko ngayon. “

