Hindi ko alam kung bakit ang saya ng usapan nilang dalawa. Ganito talaga ang mga tao, mabilis makipagkaibigan. Isa rin yata ito sa mga magandang katangian nila na nagustuhan ko. Pero alam ko na hindi nila ako katulad. Ang makasama at makita ko lang si Akio ay isang malaking kaligayahan ko na. Subalit isang malaking kahibangan kung ipaaalam ko sa kaniya. Baka lalo akong mahirapan na makuha ang loob nito at magtiwala sa akin. Pero alam ko na mabait na bata ito. Kasama niya ako sa lahat ng oras at alam kong napalaki ko rin siya ng maayos. Kung sana ay pwede kami mag-usap katulad ng ginagawa nila. "Excuse me, Sir Ted," ang basag ng boses mula sa likod ko. "Andrea kanina ka pa ba diyan?" tanong ko dito dahil nasa likod ko ito. Ngumiti siya sa akin at ganoon na rin ang ginawa ko. Bilang pagpa

