"Pasok ka, Tito Xachie." mabilis kong pinapasok si Tito Xachie sa loob ng bahay. "Pasensya ka na po kung nagbago ang usapan, may mga bagay lamang po akong dapat ingatan." "It's okay, Zoey. It's not a big deal, don't worry about it." "Sa aking palagay ay naghihinala na sa akin si Zachary. He even hired a driver for me, kahit hindi niya sabihin ay alam kong gagamitin niya lamang iyon para magkaroon ng access sa akin." "Nagkita na kayo?" tanong niya, halatang gulat siya sa aking sinabi sa kaniya. "Galing ako sa bahay niya kanina. It's almost a week since the first time we'd met." "Talaga? Anong reaksyon niya? Kung ganoon-" "Pero hindi ako nagpakilalang dati niyang asawa. I have a new identity with them. Tito, hindi niya maaring malaman na buhay pa ang dati niyang asawa. Lalo na ni Selen

