Tinulungan ako ni Claire makatayo at inalalayan sa paglakad. Pikit mata parin akong naglakad na nakahawak sa ulo kung until unti ng nawawala ang sakit.
Napaatras at napaupo ako sa sahig ng may tumama at naibuhos ito sa akin! Pagbukas ko ng mga mata ko medyo malabo pa ito kaya pumikit ulit ako at binuksan ulit hanggang sa maging malinaw na ito. Sobrang tahimik ng paligid.
May nakita akong katabing balde sa akin na nakatumba at nagkalat ang tubig na galing dito na halatang madumi. Inangat ko ang tingin ko, nakita ko ang matandang janitor na nakatulala pa nong una at nang matauhan ay agad lumuhod sa harap ko.
" P-patawad po Ma'am! H-hindi k-ko s-sinasadya! Kahapon pa kasi a-akong gutom kaya n-nanglabo ang paningin ko k-kanina at nanghihina ako sa gutom kaya h-hindi kita n-nakita... P-patawad p-p-po..."
Umayos ako at medyo nahilo pa ako nung tumayo ako. Agad ko itong dinaluhan at pilit pinatayo.
" N-nako po! Hindi niyo naman po kailangan lumuhod at aksidente lang naman yun kaya sobrang okay lang talaga po... " Umiiling naman ito pinilit paring kasalan niya at paulit ulit na humingi ng patawad. Nakiluhod narin ako para ipakitang Wala lang talaga yun sa akin kahit parang batang sisiw na ako.
" Manong ayos lang talaga. Tumayo ka na po at ito oh bumili ka ng pagkain pagkatapos niyo po ay pumunta kayo sa bahay at bibigyan ka ni Mommy ng trabaho sabihin mo lang na ako ang nagpapunta sa'yo. " Sabi ko at binigyan siya ng perang galing sa wallet ni Bridget.
Nag angat naman ito ng tingin. Kita ko ang pagkapayat ng mukha at katawan nito. Kawawa naman si Lolo... Halatang minsan lang itong kumakain... Medyo nanlaki pa ang mata nitong nakatingin sa akin... halatang hindi makapaniwala. Hinawakan ko naman ang kamay niya at binigyan siya ng ngiti.
" What the hell is happening here?! "
Napaikot nalang ako ng mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Lhor. Inalalayan ko si Lolo makatayo. Tumingin ako kay Lhor na nasa likoran ko.
Pero lihim akong napasinghap nang makita ko ang lalaking katabi niya.
Holy cow! Ang pogi niya!
He has this black shiny hair messy waves hairstyles that makes everyone want to touch it. His eyes is color gray that also screams coldness and madness. Has wide for head, arched thick brow, pointed nose, red thin lips, high cheekbones and sculpted jaws. His features was obviously foreign. He's also tall and even the uniform hide his body but I'm sure he has this ripped body type.
Bakit ako sure? Kasi fan ako ni Taeyang. Hihi
But his presence is intimidating!
I looked away when his left eye brow arched at me.
Napansin niya sigurong nakatitig ako!
I looked at Lhor again.
Lhor is also handsome and intimidating but that guy beside him is different!
Tumikhim ako para ma ibsan ang kabang nararamdaman ko.
Kaba nga ba talaga to?
Lhor's looking at me intently and I also feel that guy's penetrating eyes.
Sasagot pa lang sana ako sa tanong niya pero may pumutol at tumili pa.
" Omg! Anong nangyari Bridget? " Sa arte pa lang ng boses alam ko na kung sino. Amber.
" Ew! " Dagdag pa ng isang maarte. Angel.
Lumapit sa akin yung boyfriend ni Bridget at di naka ligtas sa akin yung pag igting ng panga ni guy. Yung katabi ni Lhor.
Nawala sa paningin ko si Lhor dahil sa natabunan ito ni boyfriend ni Bridget. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
" Ayos ka lang? " May pag- alala sa boses nito. Kung marunong ka lang magbasa sa mata ng isang tao mapapansin mo agad ito. Kaya na pansin ko ang lungkot sa mga mata ng lalaking ito.
Napahiyaw ako ng biglang sumakit na naman ang ulo ko. Hindi naman ako bumagsak ulit dahil nakahawak siya sa akin. Napapikit at napahiyaw ulit ako sa sakit nito.
May narinig akong malakas na musika at parang may nagkakasayahan dahil sa lakas ng hiyaw ng mga tao. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nasa club.
Club? Paano ako napunta rito?
" Bridget tara na sa taas! May sasabihin daw si Angel! "
Rinig kong sigaw ni Amber na nasa harapan ko pala habang tumatawa at halatang lasing na.
Tiningnan ko ito at kita ko ang saya sa mukha nito. Naka club dress naman ito at suot ang makapal na make up.
" Nasaan na ba siya? " Rinig kong tanong ng babaeng katabi ko.
I looked at her.
Nagulat naman ako ng makitang si Bridget ito. She wore a fitted black dress with her high heels.
Makapal din ang suot niyang make up pero mas highlight yung sa may mata niya at naka red lipstick siya.
She's really sexy and hot.
" I don't know but she said hintayin daw natin siya sa VIP room! " Sigaw ni Amber.
Dahil sa lakas na music kaya kailangan pang sumigaw para marinig kung ano mang sasabihin niya.
Napataas naman ang kilay ni Bridget at umirap. Pero nagsimula naman itong umakyat sa may hagdan. Sumunod si Amber at ako. Nakita kong pumasok si Bridget sa may tatak VIP na room. Umupo agad ito sa sofa. May kinuha ito sa bulsa at nag sindi.
Naninigarilyo siya?
Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan si Bridget na naninigarilyo. Ilang minuto ang lumipas ang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming tatlo doon. Pumasok si Angel kasama ang isang lalaking sa pagkaalala ko ay boyfriend ni Bridget. Magkahawak kamay silang pumasok at may ngisi sa mga labi nila. Huminto sila sa harap ni Bridget. Tiningnan ko naman si Bridget para makita ang reaksyon nito lalo na at alam kong boyfriend niya 'to.
Nakangisi lang naman ito.
Bumalik ulit ang atensyon ko kay Angel nang magsalita ito.
" Queen, Amber, Si Tyrell nga pala. " Ani nito at ngumiti ng kay lapad kay Bridget.
" He's hot, Angel. " Sabi ni Bridget.
Tumango naman si Angel. Tumingin sa lalaki at pinisil ang pisngi nito.
Yung Tyrell naman ay napayuko at napakamot sa ulo. Nahihiya ata.
Dapat lang no! Anong karapatan niyang pagsabayin ang dala---
" He's hot and... mine. " Tumayo ito at lumapit sa dalawa.
Si Amber naman ay halata sa mukha ang pagkabahala. Kanina pa ito hindi nagsalita nang dumating ang dalawa.
" What do you mean, Queen?! He's my boyfriend! " Gulat man ay nagawa pa ring sumigaw ni Angel.
Pero ano raw? Boyfriend?
Tumawa si Bridget at ngumisi pagkatapos. Hinawakan nito si Tyrell sa kwelyo at hinaplos ang kaliwang pisnge.
" Not anymore,Angel. " Lumingon ito sa kanya at nawala ang ngisi napilitan ng pagka seryoso. " Mine alone. "
Napatulala nalang ako ng mapagtanto ko ang nangyari.
" Hey you tanda! How dare you to do this to our Queen?! "
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Angel. Tinuturo turo pa niya ang matanda sabay sigaw habang ang matanda ay nakayuko lang. Umayos ako ng tayo at bumitaw sa pagkahawak ni Tyrell.
" Wait. Are you oka--- " di ko na pinatapos si Tyrell at tinalikuran. Tinabig ko ang kamay ni Angel at dumalo si matanda. Tiningnan ko ito ng masama.
" Hindi mo ba alam ang salitang respeto Angel?! Talagang sinigawan mo pa! " Hindi makapaniwalang sabi ko dito.
Tumawa naman ito.
" Look who's talking! " At pumalakpak pa.
Natawa na rin ang lahat maliban kay Claire na nasa gilid lang rin ng matanda. Tahimik na nakayuko. Sina Lhor ay nakangisi tapos yung guy malamig pa rin kung tumingin.
Nilingon ko si Tyrell na nakatulala pa pero napakurap nang magtama ang mga mata namin.
Kapag ba ginawa ko ito ay magagalit si Bridget? Pero hindi tama yung ginawa niya.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.
" Tyrell... Let's break up. " Nagulat at napaawang naman ang labi nito. Hindi lang ata siya ang nagulat dahil narinig ko ang pagsinghap ng lahat. Ewan kung kasali ba si Lhor at yung guy.
" Y-you what? " Tanong pa uli nito.
" I'm breaking up with you, Tyrell. "
Tiningnan ko ulit ang dalawa.
" Amber, Angel, I don't like you two to be my friends anymore. "
Pagkatapos ko itong sabihin ay tumakbo ako.
Tama ba to? He's Bridget's boyfriend for Pete's sake! and that two mean girls are her friends. Paano nalang kapag bumalik ang totoong Bridget? Bahala na nga.
Napahinto ako sa pagtakbo ng di ko na kaya dahil sa pagod. Napahawak ako sa dingding para kumuha ng lakas. Hinihingal pa ako. Inilibot ko ang paningin ko at pansin kong parang basketball court. Closed ito at yung tanging paraan na makapasok ka lang ay itong pintuan na pinasok ko at yung tatlong nasa gilid rin ng court, magkaharap ang bawat pintuan.
Pumasok ako. Namangha sa laki at sa raming upuan. Ganito yung mga nakikita ko sa NBA live! Hindi madilim ang loob kasi naka on lahat ng ilaw.
" What are you doing here? "
" Ay tilapia! " Gulat akong lumingon sa likod sabay hawak sa dibdib kong biglang bumilis ang t***k.
What the heck! That guy!
" I said. What are you doing here! " Galit nitong sabi. Nagkasalubong pa ang kilay nito.
Pareho kayo ni Lhor! Unang kita pa lang ay galit na!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang humakbang ito ng kay laki at bilis papunta sa harap ko. Bago pa man ako maka atras ay nahawakana na niya ang kanang pulsohan ko. Dahan dahan nitong nilapit sakin ang mukha niya ma talagang mas kinalaki ng mga mata ko! Halata rin sa mata niya na naa-amuse siya sa nakikita niya.
" What happened to you, Bridget? Hmm? "
Literal na napa goosebumps ako sa lamig na may halong ka sexy-han ang boses niya. Na amoy ko pa ang mabangong hininga nito.
" Out of words, eh? "
Distance please!hindi ako makapag-isip ng tama!
Napatawa ito ng mapakla. Nawala ang ka pilyohan na nakita ko kanina sa mga mata niya at napalitan ng galit. Mas hinigpitan pa ang pagkahawak nito sa pulsohan ko na ikinangiwi ko sa sakit pero napa awang agad ang mga labi ko nang hapitin niya ang bewang ko. Nagtama at nagdikit ang mga katawan namin.
Gulat akong tumingin sa kanya.
Pilit akong kumakawala dahil sa kaba at pagka excite na naramdaman ko.
Nanlaki ulit ang mga mata ko ng may maramdaman ako sa may puson ko!
Holy s**t!!!!
Mas nilapit niya pa ang mukha at bumulong sa may tenga ko.
" Kung ano man ang pinaplano mo ay huwag mo ng ituloy dahil ngayon, ako naman ang mananalo. " Dinilaan pa niya ang tenga ko at pinaramdam sa akin yung kanya bago ako binitawan!
Ang laki putcha!!
Napangisi ito nang makita ang reaksyon ko at napasipol pa!
Dali dali naman akong umalis dahil sa pagkataranta ko ay di ko nakita na may makakasalubong pala ako sa may pinto kaya nagka bangga kami ni--- Lhor!
Napataas ang kilay nito ng makita ako. Nilingon ko uli yung lalaking nasa likod na naka ngisi pa rin.
Shit ka! s**t! s**t! Bastos ka!
Tumakbo ako at di pinansin si Lhor sungit.