Kanina pa akong nakatunganga habang nakahiga pa rin sa kama. Hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyari sa akin kahapon. Ang dami kong tanong na kulang nalang ay mabaliw ako sa kakaisip. Hindi ko alam kung anong sunod na nangyari nung nawalan ako ng malay nagising nalang akong nasa kwarto ni Bridget.
Napabuntonghininga ako.
Narinig kong may kumatok pero hindi ko ito pinansin. Bahala sila. Bumukas ang pinto at narinig ko ang yabag ng paa. Ramdam ko ang titig nito at kahit di ko man ito nakikita parang alam ko na kung sino ito.
" Wala ka talagang kwenta! Bumangon ka diyan at bilisan mong maligo. Kapag biyernes talaga ay wala ka laging gana! "
Binalingan ko ito. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako patay. Bumangon naman ako pero naka upo pa rin sa kama.
" Lhor... Makinig ka. " Mahinahon kong sabi. Tumaas naman ang kaliwang kilay nito.
" Hindi ako si Bri--- " Napasimangot naman ito. Ramdam ko ang pagka inis niya.
Chill bud.
" Na ano?!Hindi ka si Bridget kasi ikaw si Rosie?Putangina. Wag ako Bridget! " Tumalikod ito at pabagsak na sinara ang pinto.
Napabuntonghininga ulit ako. Grabe,masasanay din ako sa sama ng ugali na yon.
" Kuya mo ba talaga yon,Bridget?Bakit kung tratohin ka niya ay parang hindi kundi ay kaaway. Ano bang buhay meron ka?O Anong klaseng ugali meron ka?Bakit ganun nalang ang takot ng mga katulong sa'yo. Tapos galit pa sayo kuya mo. Ano bang kasalanan mo? "
Asa pa akong may sasagot sa mga tanong ko. Kung meron man at biglang may sumagot sa likod ay baka nagtatakbo na ako sa sobrang takot.
Sinunod ko nalang ang sinabi ni Lhor at sinuot na ang uniform. Napa irap nalang ako sa iksi ng palda at hapit ng blouse. May choice pa ba ako,ha?Wala Rosie kaya tumahimik ka diyan. Pero in fairness ha parang nasa Japan at Korea ako kasi itong uniform eh!
Nagpahatid ako kay Manong sa school. Malay ko ba kung saan yung skwelahan. Sasabay sana ako kay Lhor pero iniwan naman ako.
Ang sama talaga ng so called Kuya ko. Hmp!
Napaawang naman ang labi ko sa nakita ko. Grabe! Ang ganda naman ng skwelahan na ito. Yung parang nasa mga telenovela at sobrang laki pa.
Wow...
Naiignorante pa ako sa mga nakikita ng may humarang sa tinitingnan ko. Isang lalaki at dalawang babae na kapareho ko ng suot na uniform pati rin yung lalaki.
" My gosh Bridget! Nangangamoy araw na ako kahihintay sa'yo! " Pinaypayan niya yung leeg niya at may pa punas pa na pawis sa noo kahit wala naman. Tinitigan ko siya at ka pansin pansin ang kanyang nunal sa gilid ng bibig pero kahit ganun maganda parin siya.
Sumingit naman yung isang babae na nakaka agaw pansin din yung pa crown niya sa ulo niya.
O-Okay?May Flores de mayo ba?hehe
" So right,Amber!Bakit ba kasi ang tagal mo?this is not your usual time na dumating sa school. " So Amber pala pangalan ng may nunal sa bibig. Pero ano raw? This is not my usual time?pero ang sabi ni Lhor kanina ay palagi akong walang gana every Friday so expected na dapat to.
" Wait.. Napansin mo ba ang napapansin ko,Angel? " Oh si Angel pala yung may crown sa ulo niya.
" Oh yes kanina pa! " Sagot ni Angel...
" Bare faced ba style mo today, Bridget?This is the first. Hindi kami sanay makita ka ng Hindi naka make up. " Curious na tanong ni Amber.
"Uhm... S-siguro kasi ayoko lang mag make-up? " Di ko siguradong sagot kaya napa tanong nalang ako.
" What the hell? " React ng dalawa.
" Talaga?nasapian ka ba,babe? " Singit ng lalaki. Kung hindi pa lang ito nagsalita makakalimutan ko talaga na kasama pala siya ng dalawa. Pero ano raw?
" B-Babe? Boyfriend kita? " Sabay turo sa kanya.
Gwapo naman siya pero di ko type kasi halatang sakit lang sa ulo. Ngiti pa lang aayaw na talaga ako.
" May sakit ka ba? " Akmang hahawakan ako nito pero tinabig ko ang kamay nito at umatras.
" Alis na ako! "
Tumakbo agad ako kahit hindi ko alam kung saan ang tungo ko basta lang ay makatakas ako sa tatlong yun. Huminto ako at hinihingal pa. Pero napansin ko na habang tumatakbo ako kanina ay umiiwas sa akin yung mga estudyante binibigyan nila ako ng daan tapos may pa yuko pa.
Okay?What is happening? As if I'm a princess to treat like that! Ayoko ng atensyon please lang!
Napa wow naman ako sa isip ng makita ko ang locker room. Parang sa metior garden lang ang peg! Grabe nakakakilig naman ito ang kulang nalang ay ang F4 hehe.
Ganun pa rin kong umakto ang mga estudyante. Naglakad ako habang namamangha pa rin. May nakita akong babaeng naka eyeglass na nagbukas ng locker niya. Nilapitan ko ito at kinabit.
" Miss, can I ask? " Gulat naman itong tumingon sa akin at nang makilala ako ay yumuko siya nagsimulang umiyak---
Okay? Bakit siya umiiyak?
" Please po Queen,kung may nagawa man po ako sa inyo sorry po. "
Hala naman! Ano bang sinasabi niya!
" Huh? Anong pangalan mo, Miss? "
" C-Claire Sanchez p-po.. "
" Oh nice to meet you,Claire. Magtatanong lang sana ako kung alam mo ba kung anong section at kung saan yung classroom ko? "
Mahinahon kong tanong at ngumiti pa para naman hindi siya matakot at kumalma na pero hindi niya naman nakita ang ngiti ko kasi naka yuko pa rin siya!
" Raise your head and look in my eyes,Claire. " Ngumiti ulit ako. Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya at halata pa na takot pa rin ito. Nang magtama ang mga mata namin at bumilog ang kanya tapos lumipat ang tingin niya sa nakangiti kong bibig at bumalik ulit sa mga mata ko.
Ay,Grabe namang reaction yan Claire.
" A-alam ko po k-kasi mag kaklase p-po tayo. " Kanda utal utal na sagot nito sa tanong ko.
" Edi mabuti! Tara? " Aya ko at kumapit sa braso niya. I hope you'll become my friend, Claire.
" S-Sige po. "
" Aba wag mo akong I po Claire kasi bata pa ako! " Tumango naman ito.
Nagsimula kaming maglakad pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko. Bakit ba eh sa kinikilig ulit ako sa ganda ng school! Amoy expensive.
Marami kaming nadaan na mga estudyante at bumulong bulong pa ang mga ito na parang mga bubuyog. Ano pa ba Rosie eh hindi na bago sa'yo na pag-usapan. Pinagkibit balikat ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Pero pansin ko na halos sila naka nganga at pinipicture-an kami ni Claire.
" Nanaginip ba ako? "
" Our Queen... "
" S-She's smiling? "
" Let's take a photo of her! Bago to ah! "
" Pero pansin ko ang simple Niya except sa uniform niya... "
Aba,kailangan ba talagang pansinin niyo ako ng ganito,ha? nakakainis na ah.
" But who's that girl? Wala siyang karapatang tumabi kay Queen! "
Artista ba itong si Bridget?
" A-aray! " Daing ko dahil bigla na namang kumirot ang ulo ko! Pero nagulat ako ng magkagulo ang lahat. May natataranta, humihingi ng tulong, sumisigaw, umiiyak--- wait, umiiyak?
Grabe, ang oa talaga!
" Tulungan natin siya! "
" Ano ba? Bawal natin siyang hawakan nakalimutan mo na ba!? "
Bawal hawakan? Ahhh, bawal pala ha.
Napabitaw ako ng hawak kay Claire nung kumirot ang ulo ko kaya kumapit ulit ako sa kanyang braso. Habang yung isang kamay ko ay sa ulo ko naka hawak. Nagulat naman si Claire sa ginawa ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan nito.
" Queen,b-bitiwan niyo p-po ako. W-wag niyo po akong hawakan a-ayoko ng g-gulo. " Pagmamakaawa niya.
" Help me,Claire. Tulungan mo akong maglakad nanlalabo ang paningin ko. "
" P-pero... "
" Don't worry. I won't hurt you,Claire. "