Chapter 2

1375 Words
Nandito na ako sa labas ng bahay namin. Maraming akong nakitang mga tao. May nagkakape,nagsusugal,at mga lasing. May naka lagay rin na tarpolin namin ni Mama sa may gilid ng pintuan--- A-ano?si M-mama? Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at kita ko na halos nakuha ko ang atensyon ng lahat. May nagbulungan pero wala akong pakialam. Pagpasok ko ay may nakita akong isang kabaong at white na banga may flower sa gilid na color sky blue. Napahinto ako dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko. Hindi. Hindi pwede. Daham dahan akong lumapit sa kabaong na may picture ni mama sa taas... Para naman akong nawalan ng lakas ng makita ko ang mukha ng babaeng nakahiga at nakapikit. H-hindi... Napalunok ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. Nangilid ang mga luha ko at handa ng bumuhos. P-paano? Anong nangyayari. Bakit namatay si Mama?Ako lang yun eh! Ako! Tiningnan ko yung banga na may picture ko sa gilid. Lumapit ako at hinawakan ito. So,patay na talaga ko. Ay hindi, yung katawan ko lang yung namatay pero yung kaluluwa ko napunta sa katawan ni Bridget. Paano nangyari yun. Kung napunta ang kaluluwa ko sa katawan ni Bridget dahil sa sinaksak ako at nag-aagaw buhay... Siguro ganun din nangyari kay Bridget. Nag-aagaw buhay din siya. Kung nag-aagaw buhay siya asan ang kaluluwa niya? Nasa ibang katawan rin ba siya? " Grabe naman tong babaeng ito. Ang bastos at naka pula pa talaga. " Malay ko bang bawal pala mag pula. " Sino kaya siya?ang ganda niya. " " Kaibigan siguro siya Rosie... " Pero bakit sinunog katawan ko? Bakit at paano namatay si Mama? Bakit mukhang mahal yung mga gamit na ginamit dito? Sa bulaklak pa lang ay halatang mahal na. Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pamilyar na boses ng mga babae. " R-Rosie... Bakit ka n-namatay.. " napaluhod si Olivia at humagulgul. Habang sina Alexa at Shine ay pinapatahan at hinahagod ang likod nito. Pareho silang nakasuot ng puting t-shirt. " Olive... T-Tama na.. " Sabi ni Shine. " Oo nga,Olive... Anong m-magagawa natin eh i-iniwan na niya t-tayo... " Suminghot si Alexa at pinunasan ang luha. " H-hindi... May mga pangako tayo eh... Ang d-daya niya..s-sobrang d-daya. " Tumayo ito, pinunasan ang luhat at pinatapang ang mukha. Wag na kayong umiyak...buhay naman ako eh... Nakita ko silang paalis na kaya hinabol ko ito at pinigilan. " Olive... " Napatingin naman sa akin ito nagtataka pero agad nawala ito at napalitan ng pagkagulat tapos galit. " Olive. Ako ito, " turo ko sa sarili ko. " Ako to si Rosie. B-buhay ako. " Ngumiti ako sa saya sabay tulo ng mga luha kong kanina pa hindi tumitigil. Winaksi nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya at walang sabing sinampal ako. Narinig kong nagsinghapan ang mga tao at nagbulungan. Napahawak ako sa kanang pisngi ko na may pagtatakang tumingin sa kanya. Bahid naman ang gulat sa mga mukha nila Alexa at Shine. " Olivia! Anong ginagawa mo! " Bulong ni Shine pero rinig ko naman. Sinamaan siya nito ng tingin kaya tumahimik ito. Tumingin pabalik sa akin si Olivia. " Ang kapal mo naman magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa mo. Bridget Smith,right? " May pagkadigusto ang pagkasabi nito sa pangalan ni Bridget. " H-hindi... Ano bang sinasabi mo Olive?Ako to. Si Rosie! " Nagulat naman ito ay hindi lang pala siya kundi lahat ng taong nandito. Ngayon ko lang napansin na marami palang nakatingin sa amin at nakita ko pa yung mga kaklase ko. " Masama ka na nga baliw ka pa. " Natatawang Sabi ni Olivia. " Sa tingin mo maniniwala ako sa kagaya mong baliw? At isa pa,Wala akong kaibigan na masama at malandi! " A-anong... " Wag mong sasabihin na nakalimutan mo na ang ginawa mo sa akin!Alahanin mo Bridget!! " Nanggigil na ani nito at sinabunotan naman ako. Inawat siya ng dalawa at naramdaman ko ring may humila sa akin na may malaking braso at sa lakas nito alam kong lalaki ito. " T-Tama na... " Nanginig ang mga balikat ko dahil sa sakit na ginawa ni Olivia. " Malandi ka! Dahil sayo kaya hiniwalayan ako ni John! Inutos mo pa na ipahiya ako at ipakalat ang videos ko kung hindi niya ako hihiwalayan! " Galit nitong sigaw at gusto pang lumapit sa akin kung hindi lang ito pinigilan ng dalawa siguradong nakatanggap na naman ako ng sampal at sabunot. Pero ano raw? Ginawa yun ni Bridget? Gulat akong nakatingin sa kanya at hindi makapagsalita. " Umuwi ka na,Miss. " Rinig kong sabi ng lalaking nakahawak sa akin. Tiningnan ko ito at napa awang ang labi ko ng mapagtanto ko kong sino ito. " Chase? " Si Chase ang lalaking gusto ko sa school namin. " Hindi ko alam kung paano mo ako kilala pero umuwi ka na kasi nagkakagulo na. " Napakamot naman ito sa buhok niya. " P-pero gusto ko...lang naman.. " " Tama na. Itulog mo nalang yan. Sayang ang ganda mo kung mabaliw ka. " Ngumiti ito at nangungusap ang mga mata. Kaya nagka gusto ako rito sa lalaking ito dahil sa mabait ito. Siya lang din ang nag-iisang lalaking pumapansin sa akin sa school dahil hindi ko alam kung bakit ayaw sa akin ng mga studyante except sa kanya at kay Olivia,Alexa at Shine. Tiningnan ko ulit si Olivia at ngumiti. Pero mas lalo ko ata itong ginalit dahil nagwawala na naman. Naalala ko ang sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na si Bridget pala yung sinasabi niya sa amin na nang-ahas sa boyfriend niya at kung bakit naging miserable ang buhay niya. Yan yung dahilan kung bakit napa transfer siya sa public school. Magsasalita na sana ako para ulit kumbisihin ito kasi hindi ko kayang pati mga kaibigan ko ay mawala sa akin. Wala na si mama,ayokong mag-isa. Naputol yung sasabihin ko nang makarinig kami ng malakas na busina. Tatlong beses pa itong inulit hanggang sa tumigil. Kita ko ang pagtataka ng mga tao at pagkamangha ng mga babaeng ka edad ko lang. Mag nagsisinghapan at tumitili na parang mga biik. Ganun nalang ang pagka gulat ko ng makita ko ang Kuya ni Bridget. Nilibot nito ang tingin sa mga tao hanggang sa nagtagpo ang mga mata namin. Wala pa ring pinagbago. Ganun pa rin yung tingin niya. Naglakad ito papunta sa akin at huminto ng magka tapat na kami. " Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? " Cold na sabi nito. " H-hindi naman kasi talaga ako si Bridget. Ako si Rosie. " Pangugumbinsi ko rito. " Tapos? " " Ha? " " Tapos ano pa? " " Ha? " " Halika uuwi na tayo. " " A-ayoko nga!Ano ba bitiwan mo ako! " Hawakan ba naman braso ko tapos sobrang diiin pa. Nagpupumiglas parin ako habang palabas kami at hanggang sa huminto kami sa may itim na sasakyan. Humarap ito sa akin at tinulak ako palapit sa kanya kaya naumpog ako sa dibdib nito. Inilapit nito ang ulo sa akin na huminto sa may tenga ko at bumulong. " Nakakahiya na nga yang pagmumukha mo tapos ipapahiya mo pa ang apelyado natin? Dahan dahan lang sa paninira Bridget baka isang araw ay madapa ka. " Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Ang sama niya! Binitawan nito ang braso ko at umayos ng tayo. " Alam mo ikaw, nagtataka ako kung Kuya ka ba talaga ni Bridget kasi ang sama ng ugali mo! " Napahalakhak naman ito sa sinabi ko at may pa hawak pa sa tiyan na para bang sobrang nakakatawa talaga ng sinabi ko. Genuine ba ito o sarcastic lang? Napasimangot naman ako. Tumigil naman ito sa pagtawa at pinunasan yung luha dahil sa pagtawa nito. Ngumisi naman siya at umiling. " Kuya mo talaga ako ang kaso nga lang imbes na sa akin ka magmana ay ako pa yung nagmana sa'yo. Ayos no?ako yung nauna pero ako pa talaga yung nagmana sa'yo. " Nagkibit balikat naman ito at pinigilan matawa. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong kumirot ito at nakaramdam din ako ng pagkahilo. Tiningnan ko ulit ito at hindi pa rin naaalis yung ngisi niya. " H-hindi ako si B-Bridg--- " Naramdaman ko nalang nawalan ako ng lakas at nandilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD