Chapter 1

1322 Words
" Wake up Bridget! " " Bridget! " " Bridget! " " Hmm " Napaungol ako dahil sa sakit ng ulo ko. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nanlalabo pa ito nung una kaya pinikit tapos minulat hanggang sa luminaw din. Nasa langit na ba ako? Pero hindi naman puti yung paligid ko kundi purple. May purple ba sa langit? Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Nilingon ko ito at nakita ang isang mangandang babae na nasa mga 30 na ata ang edad. Napakunot ang noo ko. Huh?Sino to? Hindi ko muna siya pinansin at nilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa akong gilid at sobrang dilim kong maka tingin. Gwapo ito at may piercing sa gilid ng bibig niya.Pero sino siya? Nilibot ko ulit ang tingin ko at sa may pinto maraming maid tapos ang laki pa ng kwartong ito. Binalik ko ang tingin sa babaeng nakayakap pa rin sa akin. " S-sino ka? " Nahihiyang tanong ko rito.Nakakailang naman. Nanlaki naman ang kanyang mga mata. " Oh common,Bridget. Ano namang pakulo to? " Malamig na tanong ng lalaking nasa kanan. Nilingon ko ito at nakitang naningkit ang kanyang mga mata. Grabeng tingin naman,nakakamatay. " T-teka s-sino ka ba ha?bakit ang sama mong makitingin sakin! " mangingiyak na tanong ko sa lalaki. " Tsk. " Sagot nito. " Bridget anak ano bang nangyayari sayo? " Tanong nong babae na naka upo sa kaliwang gilid ng kama. Napabalik ang pansin ko sa kanaya. Ano bang nangyayari?nagugulohan ako. " B-bridget?Ako si Bridget?Pero hindi ako su Bridget ako si Rosie! " Paulit-ulit akong umiling at tumingin sa kanyang mga mata na may kalituhan. " Tsk.Mom,huwag kang maniwala diyan.Palusot na naman niya yan o di kaya epekto na yan ng drugs na ginagamit niya. " Sabat ng lalaki. Kanina pa siya ah!Ano bang problema niya! Pero nagulat ako sa sinabi nito.Drugs? Paano ako gagamit nito kung ito ang pangalawang pinaka ayaw ko sa mundong ito. " Bridget!Nag d-drugs ka pa rin hanggang ngayon? " Tanong ng babae. " Hindi nga ako si Bridget!A-at anong drugs pinagsasabi mo, " Gulat na tanong ko sa lalaki. Hindi naman nagbago at tingin nito sa akin at ganun parin,galit. Naramdaman kong may nag vibrate sa ilalim ng puting unan na may lily flower design sa gilid. Dali dali ko itong kinuha at alam kong cellphone ko ito kasi palagi ko itong tinatabi sa akin---bakit naging iphone ito! cherry mobile lang naman afford ko. Pero binuksan ko pa rin ito at nakalimutan ko ang mga matang nakamasid pa rin sa akin. Sinearch ko sa f*******: ang pangalan ko at nagulantang ako sa mga nakitang naka post at naka tag sa timeline ko. ' Rest in peace,Rosie. ' ' Sayang,maganda sana pero namatay agad.Rest In Peace. ' ' We will miss you :((' ' and 38 more tagged post. Ang paplastic naman ng mga to. Ang naalala ko kasi ay walang gustong kumaibigan sa akin,maraming galit at ayaw sa akin except sa tatlo kong kaibigan. Halos masuka na ako sa mga nabasa ko kaya hininto ko na. Napatitig ako sa kawalan at napatanong. So patay na talaga ako? Grabe,may internet pala dito sa langit. Pero bakit... Tiningnan ko yung babae na naka upo parin at halata sa mukha na gulong gulo na ito. " N-Nasa langit na ba ako? "tanong ko sa kanya. " Nababaliw ka na ba anak? "gulat niya na tanong. H-huh?T-teka nga!Nalilito na ako! Ang naalala ko nakahandusay ako sa sahig dahil sa sinaksak ako ni Mama. Tapos...tapos...bakit ako nandito? " This is nonsense.At kung namatay ka nga hindi ka tatangapin sa langit impyerno bagsak mo. " nagtataka akong tumingin sa kanya at medyo kinabahan sa paraan ng pagtitig niya. Grabe naman ang harsh ha. Nagulat ang babae sa sinabi niya at pagsasabihan sana ito pero umalis na ang lalaki. Sinundan ko ng tingin ang kanyang likod na paalis na. Ipinagsawalang bahala ko ang kanyang sinabi at kinurot ang pisngi tapos sa gilid ng braso. Napangiwi naman ako sa sakit at hinaplos ito. " Tama na nga yan.Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo nasobrahan ka na sa drugs anak. " Tumayo ito umiiling naglalakad papuntang pinto. Nakita ko itong kinuha ang cellphone at may tinawagan. Narinig ko pa ang sinabi nito. " George, something is wrong with my daughter. Please check on her. " tapos nawala na ito sa paningin ko. Ako nalang mag isa sa kwartong ito. Nakatanga ako ng ilang minuto at inisip kung anong nangyayari sa buhay ko. Inilibot ko ulit ang aking tingin at napansin ko ang isang pintuan.Siguro banyo yun. Tumayo ako at pumasok sa banyo. Pagkapasok ko agad nagtama ang mga mata namin sa salamin. Ito ba si Bridget?ay tanga lang,Rosie? Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ng mabuti ang mukha na kaharap ko. Maganda siya. Kaya ba hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko dahil dala ko pala ang mukha na sinasabi nilang Bridget? I touched her checks at namangha sa gandang meron ito. She has a wide forehead and devilish brown eye's. Her nose is not that long. Yung tama lang at bumagay naman sa heart shaped face niya. And has a heavy upper lips that makes her face sexy. She's sexy... Naligo nalang ako pagkatapos pumasok ulit ako sa isang pintuan na sa tingin ko ay closet ni Bridget. Hindi nga ako nagkakamali at nakita ko ang mga klase klaseng damit. Nanakit bigla ang mga mata ko sa mga nakikita na damit na sobrang iksi. Napailing nalang ako. Ano pa bang magagawa ko eh sa ganito ang style niya. Kinuha ko yung red off shoulder na top at black short. Kahit anong hanap ko ng sapatos at dollshoes ay hindi ko makita kasi lahat ay mga heels. Pinili ko nalang yung red heels kasi favorite color ko at na bagay din naman sa suot ko. Lumabas ako ng kwarto at napa awang ang labi ko sa nakita. Ang laki ng bahay ay hindi bahay ito kundi mansyon!May pa red carpet pa sa hagdan na ewan ko kung anong exact name pero parang transparent yun sa gilid at kung hindi lang dahil sa red carpet baka di talaga makita na may hagdan. Napaka ganda naman. Natatakot akong bumaba kaya dahan dahan akong bumaba at sa pula lang talaga ako tumapak! Pagka baba ko nagulat pa ako ng may biglang sumulpot sa harap ko na lalaking nasa 40 na ata. " M-Maam,saan ka po pupunta? " Nakayukong tanong nito. Halatang natatakot ito. " Aalis ako,Manong.Pwede mo ba akong tulungan mag hanap ng sasakyan sa labas? " mahinahon kong tanong. Hindi ko alam tong lugar na ito kay hihingi nalang ako ng tulong kay manong. " H-hindi niyo naman po kailangan maghanap ng sasakyan k-kasi may sarili po kayong sasakyan at k-kung ayaw niyo naman po na mag d-drive pwede naman po ako nalang kasi driver ako rito... " Napakurap ako sa sobrang galang kong magsalita nito dapat nga ako pa yung mag po sa kanya. Ngumiti nalang ako kahit hindi niya nakikita. " Ihatid niyo po ako sa lugar na ito. " Sinabi ko yung lugar namin at tumango naman ito. Lumabas na kami at naghintay ako sa gilid nakita ko naman yung sasakyan niya. Pinag buksan niya ako ng pinto at bago pa man ako makapsok sa loob ng sasakyan ay may biglang nagsalita sa likod. " And where do you think you're going,sister? " Nilingon ko ito at ayan na naman ang galit niyang mga mata at malamig na aura. Nakakatakot siya... Pero ano daw?sister? Hala ayoko nga,nakakatot eh!Hindi ko ito pinansin at tinalikoran agad. " Manong tara na! " Sumunod naman ito at nilingon ko ulit yung lalaki. Nakatingin pa rin ito sa aming sasakyan nakita ko naman itong nakangisi. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko sa kaba. Nilihis ko ang tingin sa kanya at binalik sa harap. Ang creepy ng Kuya mo Bridget...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD