“Ang ocean deep naman niyan mahal na reyna.” Napabaling ako kay Aries nang putulin niya ang pagmumuni-muni ko. Nandito kami sa isang restaurant sa mall dahil dito na kami dumiretso pagkagaling sa mga designated schools kung saan kami nagpa-practicum. Nag-half day lang kami ngayong araw dahil may meeting lahat ng mga student teachers mamayang hapon. “Siguro iniisip mo kung anong isu-surprise sayo ni Fafa Cali, ‘no?” napakunot ang noo ko habang inaalala kung anong okasyon ngayon. Ah, Valentine’s Day nga pala. Wala sa sariling napangiti ako nang maalalang Valentines rin pala kami unang nagkatagpo ni Cali five years ago. “Kahit wala namang surprise, I’m okay with that.” Nakangiting sagot ko sa kanya. “Edi wow. Nawa’y lahat.” Nakangiwing sagot niya rin bago nakataas ang kilay na

