Para akong tinarak ng kutsilyo diretso sa aking dibdib sa tanong niyang ‘yon. Bakit pakiramdam ko ay hindi na lang si Calypso ang pinag-uusapan namin dito? “Kung ganyang klaseng pagmamahal ang kaya mong ibigay, sa tingin mo ba masaya siyang tatanggapin ‘yan? Lalo na kapag nalaman ng anak mo ang buong katotohanan na kaya mo lang ginagawa ang lahat ng ‘yan para ilayo siya sa totoong ama niya.” Walang emosyon ang kanyang mukha, pero bakas sa kanyang boses ang pait at sakit. Natutop ang aking bibig sa kawalan ng sasabihin. Marahil ay lahat ng lumalabas sa kanyang bibig ay parang bala na tumatama ng diretso sa dibdib ko. At hindi ko ‘yon kinakaya dahil alam kong may katotohanan ang mga ‘yon. Napaiwas na lamang ako ng tingin habang ang mga luha ay patuloy pa rin ang pag-agos paba

