“Love?” mahinang tawag ko dito. “Love? Cali?” pagtawag ko ulit at mahina pa siyang niyugyog nang wala akong marinig na sagot. Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at nakitang pikit na ang mga mata nito, senyales na nakatulog na ang lalaking ‘to. Napabuntong-hininga na lang ako habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya maihihiga sa couch. “Uhh—“ muntik pa akong mapatili nang gumalaw ito at mas natuon sakin ang bigat ng katawan niya dahilan para muntikan na kaming matumba! Mabuti na lang at napasandal kami sa pader kung kaya’t natulungan ako no’n para hindi masyadong mabigatan. Kumalas ako sa pagkakayakap namin at ipinalibot sa aking balikat ang kanan niyang braso habang ipinalibot ko naman sa kanyang bewang ang kaliwa kong kamay. Mabigat man at paisa-isang hakbang lang

