Nang mga sumunod na araw at linggo ay nanatili muna kami sa Canada. Nagsimula na ang klase para sa second semester, pero dahil sa susunod na taon pa ang simula ng practice teaching namin, naisipan kong dito na lang magbakasyon para makasama ko ang anak ko. Sumagi na rin sa isip ko ang umuwi ng Pilipinas. Gusto kong magkausap kami ni Cali para maayos namin ‘to, pero iisipin ko pa lang na iiwan ko na naman ang anak ko ay sapat nang rason ‘yon para hindi ako tumuloy. Bukod doon ay miss na miss ko rin ang anak ko. “Where is that biatch?” I was busy decorating the garden with colourful flaglets with the help of house maids when I looked over my shoulder with furrowed brows, just to make sure that I heard Joanne’s voice right. At hindi nga ako nagkamali, dahil kasunod nina Ate Kiana at A

