“I’m sorry . . . I’m sorry, Love . . .” humihikbing sabi ko, patuloy na inaabot ang mga kamay niya ngunit patuloy lang rin siya sa pag-atras. Nakatalikod siya sa akin habang nakahawak sa bewang ang kaliwang kamay at ang kanan ay nakatukod sa pader. Nakayuko ang kanyang ulo, iniiwasang mapunta ang paningin sa akin. Kung ilang ‘ I’m sorry’ na ang nasabi ko ay hindi ko na alam. Pareho kaming nasasaktan pero bakas sa mga mata niya ang galit at hinanakit. Sino nga bang hindi magagalit sa ginawa ko? Nagsinungaling lang naman ako sa boyfriend ko at ang malala pa do’n, dawit pa ang kaibigan niya! "We almost collided . . . Almost . . ." I heard him whispered. "But you lied to me." Namayani ang katahamikan sa pagitan namin. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namum

