Chapter 53

2388 Words

Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng banyo upang hindi magising ang natutulog kong anak. Pagkapasok doon ay agad kong pinuno ang bath tub. Matapos hubarin ang lahat ng damit ay inilubog ko na ang katawan sa ilalim ng maligamgam na tubig at saka nagpakalunod sa mga isipin.   Tatlong araw na ang nakararaan mula nang makapagdesisyon kaming dalawa ni Cali na huwag munang sabihin ang totoo kay Albus hangga’t hindi pa ako handang ipagtapat ‘yon. Lalo na sa sitwasyon namin ngayon at sa nalaman ko kay Cali na muling nagkabalikan sina Portia at Albus.   Nailing na lang ako.   ‘Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Portia.’   Marahil ay nagbago na naman ang isip niya at napagtantong si Albus talaga ang gusto niya at hindi na si Kelvin. Pero alam kong darating ang araw na magbabago na naman ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD