“Pero, sigurado ka ba talaga na si Albus ang daddy ni Baby Cali?” Natinag ako sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ang halik na pumatak sa noo ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ang mga mata ni Cali na nakatitig lamang sa akin. “I can almost hear you thinking.” Mahinang sabi niya, iniiwasang lakasan upang hindi magising ang natutulog na si Calypso sa gitna naming dalawa. “Is there any problem? Or anything bothering you that you wish to tell me?” Napatitig lamang ako sa mukha niya. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang napag-usapan namin kanina ng mga kaibigan ko. Kung panong ginulo no’n ang buong mag-hapon ko. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga agam-agam ko. Pero natatakot akong mahila ko lamang siya sa mga problemang dapat ay ako lang ang pumapasan. Gumuhit

