“Are you sure, Love?” muling tanong ni Cali. Kung pang-ilang beses na ‘yon ay hindi ko na nabilang. “Pwede ka naming samahan.” Bahagya akong natawa sa kanya. Akala mo kasi iiwanan eh. “Don’t be paranoid, okay? Mabilis lang naman ako sa second floor. Besides, kaunti lang naman ang bibilhin ko and I have a list there,” itinaas ko ang piraso ng papel na nakaipit sa dalawang daliri ko upang ipakita sa kanya. “So I won’t take long, okay?” “But—“ “Kasama mo naman si Baby Calypso.” Natatawang sabi ko, at saka bumaba ang tingin sa anak kong inililibot ang tingin sa paligid at patingin-tingin sa mga taong dumaraan. “Baby, just stick with your daddy, okay? ‘Wag kang lalayo.” pagpapaalala ko rito na agad niya rin namang tinanguan. “I’ll just make it quick then susunod na lang ako sainyo d

