Hindi ko maitago ang labis na sayang nararamdaman. ‘Yung tipong kahit pagod ako buong maghapon ay nagagawa ko pa ring ngumiti ng hanggang mata. At kahit nga nawiwirduhan na sa akin ang mga taong nadadaanan ko ay ngiti lang rin ang iginaganti ko sa kanila. I’m just this happy, pake ba nila?! Wala lang kasing nag-a-I love you sa kanila! Pinindot ko ang doorbell ngunit wala yatang nakarinig dahil wala man lang nagbubukas ng pinto. Gayon pa man, wala ako sa mood mag-sungit kaya pinindot ko ulit ang doorbell at matiyaga kong hinintay ang magbubukas no’n. Napaayos ako ng tayo nang ilang minuto lang ay bumukas na ‘yon, iniluwa ang nakabusangot na mukha ng kaibigan ko na mukhang kasisimula pa lang maligo dahil nakatapis pa ito ng roba. “Istorbo ka sa pagligo, ‘no?” nakangiwing bati

