Chapter 3

2219 Words
Nagising ako nang maramdaman ang pangangalay ng braso ko na parang nadadaganan ng kung anong mabigat na bagay. Naimulat ko ang mata ko para tignan kung anong oras na. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang hindi pamilyar na kwarto.   “Where am I?” Pinikit kong muli ang mga mata para alalahanin ang nangyari at malaman kung bakit at paano ako napadpad dito.   ‘Yung picture. Sa bar. Si Kelvin. His b***h. Naglasing. Yung lalaki sa kot-‘  Napatigil ako at naimulat ko ang mga mata nang marealize ang mga naalalang sumunod na nangyari.   Inangat ko ang kumot na tumatapis sa akin upang makumpirma kung totoo nga ang iniisip ko. I gaped audibly because of what I saw, pero agad ko ring tinakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay.   ‘Wala akong saplot ni isa!’   Dali-dali akong tumayo at umalis ng kama dala ang kumot na pilit kong itinatapis sa buo kong kahubdan. Dahil sa pagtayo ay naramdaman ko ang paghapdi ng p********e ko. Masakit man ay pinilit ko pa ring gumalaw.   ‘Totoo nga besh! Bumukaka nga ako kagabi!’   Nang makaalis sa kama ay doon tumambad sa akin ang lalaking nakadapa at nakatalikod sa akin. Nakayakap ito sa unan na nasa may bandang mukha nito. Wala rin itong saplot! At mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung gaano kakinis ang balat nito.   Napadako ang tingin ko sa pang-upo nito. May parte sa akin na parang gusto ‘yong pisilin o kagatin at panggigilan. Nailing ko na lamang ang ulo ko at paulit-ulit na tinatampal ang pisngi ko. ‘Gosh, kailan ka pa naging manyak, Cass huh?’   Napatingin ako sa bintana at napansing medyo madilim pa sa labas.   Binuksan ko ang ilaw sa loob ng kwarto at agad kong hinanap ang mga damit ko. Una kong natagpuan ang red stiletto na malapit sa may entertainment area. Kasunod naman noon ay ang shoulder bag ko pati na rin ang mga undergarments ko.   Dali-dali ko iyong sinuot at sinikap na huwag gumawa ng ingay kahit pa napapangiwi ako habang sinusuot ang panty ko. Pagkatapos ay muli kong itinapis ang kumot sa katawan ko habang hinahanap ang damit.   Ngunit nailibot ko na ang paningin sa buong kwarto, hindi ko pa rin matagpuan ang black dress ko. Mas lalo lamang sumasakit ang nasa baba ko sa palakad-lakad na ginagawa ko.   ‘Hindi pwede ‘to. Kailangan ko na ‘yong makita nang makuwi na ako!’   Naglakad-lakad pa ‘ko kahit paika-ika upang hanapin ang black dress ko, pero sa halip na sa akin, ay ibang damit ang natagpuan ko. Nakakalat ito sa may parte ng kwarto malapit sa pwesto ng lalaki. Maliliit at walang-ingay ang ginawa kong paghakbang. Mahirap na’t baka magising ito at mas lalo pang lumaki ang problema.   Mabilis kong kinuha ang suit nito. Iniwan ko na lamang ang pants at baka wala na itong maisuot pauwi. May konsiderasyon pa naman ako.   Agad ko iyong isinuot upang matakpan ang kahubdan at nang maayos na ay pinagmasdan ko ang sarili. Umabot rin naman ito sa tuhod ko, tamang-tama lang.   Matapos iyon ay agad kong isinunod ang pagsuot ng red stiletto at kinuha rin ang shoulder bag at walang lingun-lingong binuksan ang pinto at lumabas. Yakap ang sarili, malalaki at mabibilis ang ginawa kong paghakbang. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang hitsura sa salamin.   Fear start to rush through me. Never pa akong umuwi ng umaga na. ‘Yon pa nga lang umuwi ako ng 11:00 p.m. ay paniguradong may kasunod na grounded na ‘yon galing sa parents ko, ito pa kayang may araw na.   “You’ll be dead, Cass. Mark my words; you’ll be dead meat soon.” Bulong ko sa sarili.   Sumakay ako sa elevator na magdadala sa’kin sa baba nitong hotel. Oo, hotel. And if my assumptions are correct, nandito ako sa luxury hotel na katabi lang mismo ng bar na ‘yon.   Nang tumigil at bumukas ang elevator ay dali-dali akong lumabas. Nahuli ko pa ang ibang staffs ng hotel na nakatingin sa gawi ko, specifically sa leeg at mga hita ko. Nang ma-realize ko kung bakit, ay agad kong tinakpan ng mahaba kong buhok ang leeg na paniguradong may mga pulang marka.  ‘Gosh, nakakahiya ka Cass!’   Lakad-takbo na ang ginawa ko kahit pa nga nakakaramdam ng hapdi, habang bahagyang tinatakpan ng shoulder bag ang mukha. Nang makalabas ay laking pasasalamat ko na may tumigil na taxi sa harapan ko. Agad akong sumakay at nagpahatid sa bahay. Sa loob pa lang ng sasakyan ay mababaliw na ako sa kaiisip ng idadahilan kina Mom and Dad. ‘Bahala na.’   Nang makababa ay pasimple akong pumasok sa loob ng gate. Buti na lang at wala kaming security guard, dahil naroon ang guard sa pinaka-gate ng subdivision.   Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pa sa sala ng bahay sina Mom at Dad. Mukhang tulog pa ang mga ito. May naririnig na akong ingay na nagmumula sa kusina, kaya malamang gising na ang mga helpers namin.   Bago pa mahuli ay dali-dali na akong umakyat ng hagdan. Dalawa ang hagdan sa bahay namin at magkaharap ito. Ang nasa kaliwa ay para sa kwarto at opisina ng parents ko. Habang ang nasa kanan naman ay para sa aming tatlong magkakapatid at dalawang guest room. Tig-iisa kami ng kwarto, at dahil ako ang bunso, mas malaki ang akin. But since under renovation ang kay Ate Kiana, sumikip ang kwarto ko nang dahil sa kanya.   Nadaanan ko pa ang kwarto ni Ate Phoebelyn, mukhang tulog pa ito. Kasunod naman no’n ay ang study room para sa aming magkakapatid. Nang makarating sa kwarto ko ay naabutan ko pang mahimbing na natutulog ang maarte kong kapatid. ‘Buti naman.’   Dumiretso ako sa banyo at agad na naligo. Ibinabad ko ang sarili sa bath tub na puno ng maligamgam na tubig. ‘Ouch.’ Habang nakababad ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kagabi. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.   Sa isip ko’y naririnig ko ang mga ungol at malanding pagsigaw ko . . . Ang mga tunog na likha ng pag-iisa ng katawan namin ng lalaking ‘yon . . . Kung paano ko tugunin ang mga mapupusok na halik nito at kung paano ako magmakaawa na paligayahin ako nito . . . “Gosh, Cass! You’re so gross!” natampal ko na lamang ang sariling noo sa mga pinag-iiisip.   Agad kong tinapos ang pag-sasabon at pag-shampoo, at pumailalim sa shower para magbanlaw. Muling naglalakbay ang isip ko pero ang malamig na tubig ng shower ang pilit na gumigising sa akin.   Kinakabahan ako sa ‘di malaman na dahilan.   ‘Gaga, dapat ka talagang kabahan! Paano pag nalaman ng parents mo ha?’   Hindi ko na lamang pinansin ang sinisigaw ng utak ko sa akin. Dali-dali kong tinapos ang pagligo at nagtapis ng tuwalya bitbit ang suit na sinuot ko kanina at naglakad palabas ng banyo.   Dumiretso ako sa walk-in closet ko, habang naghahanap ng masusuot ay nabaling ang paningin ko sa suit na hawak sa kabilang kamay. Inamoy ko ito at damn, ang manly ng pabango! Napapikit ako habang nakatambad pa sa ilong ko ang mabangong suit na ‘yon. Muli na namang sumagi sa ‘kin ang mga nangyari kagabi. Agad akong natauhan sa mga pinaggagawa at napailing.   Ayoko mang malaman ang pagkakakilanlan ng lalaking ‘yon, ngunit heto ako at kinakapkapan ang mga bulsa ng suit na ‘to. Hindi naman ako nabigo dahil may nakapa ako at nakuhang calling card mula sa isa sa mga bulsa nito.   Albus William Smith. ‘Yan ang pangalan na nakalagay sa calling card. Pangalan pa lang, pang-mayaman na. “Panigurado ako, katulad lang ‘to ni Kelvin”, I tsked.   Kapagkuwan ay ibinalik ko na ang calling card sa kung saan ko ito nakuha. Ang suit naman ay tinago ko sa pinakadulo ng mga nakahanger kong damit.  ‘Hindi naman siguro mahahalata ‘to dito.’   Agad akong nagbihis at lumabas ng walk-in closet. Nang makalabas ay naabutan ko si Ate Kiana na gising na at nasa cellphone na agad ang atensyon. Dumiretso ako sa higaan ko, humiga kahit basa pa ang buhok, at doon tumitig sa kisame.   “What time kang umuwi kagabi? I’ve been waiting for you till 1:00 a.m., I’m tired of lying na to Mom and Dad.” Hindi ko inaasahan na magtatanong ‘tong babaeng ‘to na hindi naman nito gawain.   “Anong oras ka natulog kagabi?” balik na tanong ko imbes na sumagot, hindi man lang ito tinapunan ng tingin.   “Wow, nice dodge.” Sarkastikong komento nito. Nahalata rin pala nitong umiiwas ako sa tanong. “Ano, nahuli mo ba ang talipandas mong boyfriend?” mataray nitong tanong.   “Yeah.” Sagot ko na hindi pa rin bumabaling dito. Napabuntong hininga ako, “I broke up with him last night.”   “Good for you. Akala ko patatawarin mo na naman kagaya ng nakaraan eh.” Napailing na lang ako.   Dahil sa sinabi niyang ‘yon ay naalala ko na naman ‘yong mga panahong ilang beses kong pinatawad si Kelvin noon kapag nahuhuli ko itong may katext at katawagang iba. Ayaw ko mang maghinala ay ‘yon ang nararamdaman ko ng mga panahong ‘yon. At wala pa mang balita ang makarating sa’kin ay pinatatawad ko na siya agad sa loob-loob ko. Ganoon ko kamahal ang hayop na ‘yon noon. Pagkatapos ng isang taon, ito lang igaganti niya sa’kin? Bwiset siya!   Napangiwi na lang ako sa naalala.   Akala ko’y mananahimik na ito, pero nagkamali ako. “So, anong oras ka nga umuwi kagabi? O… umuwi ka nga ba… kagabi?” natigilan ako sa tanong nito pero hindi ako nagpahalata.   Bumaling ako sa kanya at pinakatitigan ko ito, kapansin-pansin ang mapanuring tingin na ipinupukol nito sa akin.   Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Maniniwala ba siya kung sasabihin kong hindi ko naman ginusto ‘yong nangyari?  ‘Of course, you’re lying Cass. Ginusto mo ‘yon. Nagmakaawa ka pa nga ‘diba?’  Nailing na lamang ako at mariing napapikit. Pilit na binabaon ang mga isiping ‘yon sa pinakailalim ng utak ko.   “Yeah, of course. You’re already in deep sleep when I got home.” Sagot ko at tumigin sa kanya para hindi niya mahalatang kinakabahan ako. Tama naman ‘diba? Tulog siya nang dumating ako kanina. “I just drank some shots with my friend Joanne on the other bar, and danced wildly to temporarily forget that thick-faced man.” Well, that’s not bad. Wow, I’m so proud of myself on that part. Applause people!   Totoo naman ‘yong mga sinabi ko, right? Well, except sa part with Joanne, and I didn’t tell her the rest of what happened to me. I’ll just keep it to myself though.   “Okay, maliligo muna ako.” Hindi pa man ito nakakatagal sa pagtalikod ay bumaling na kaagad ito sa ‘kin. “And I forgot,” ngumiti ito nang pagkatamis-tamis na nagpakunot ng noo ko “okay na sana ‘yong reasons mo eh. But next time, pakitago ng mga kiss marks sa leeg mo ah? Nagmumukha ka kasing sinungaling eh. Mukha lang naman. Bye li’l sister.” Kumindat pa ito bago tuluyang umalis sa kama niya. Napatanga na lamang ako at napakurap-kurap habang nakatingin sa nilakaran nito patungong banyo.   Agad akong naglakad papunta sa harap ng vanity mirror ko at natampal ko na lamang ang sariling noo nang tumambad sa akin ang mga pulang kiss marks sa leeg ko. Bakit ba naman kasi nakalimutan kong meron pala akong ganito? Eh di sana hindi sleeveless shirt ang naisuot ko. “s**t!”   Dali-dali akong nagpunta sa walk-in closet ko at doon nagpalit ng turtle neck shirt.  ‘Bwiset! Malamang sa malamang, magtatanong sina Mom and Dad kung bakit ganito ang ayos ko eh nasa bahay lang naman ako. Argh!’   Pagkatapos ay sinuri ko pa ang sarili kung may iba pa bang ebidensya ng kagagahan ko kagabi. Nang makitang natakpan na lahat sa leeg at balikat ko, ay lumabas na ‘ko ng walk-in closet. Dumiretso ako sa vanity mirror para mag-ayos, para naman hindi mapansin na namumutla ako sa kaba kapag may nag-interrogate na sa akin.   Ilang minuto pa’y narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo. ‘Mukhang tapos na ang demonyita.’ Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos at paglalagay ng kung ano-anong skin care routine. Pinipilit ko ang sarili na huwag pansinin ang demonyita kong kapatid at baka maibalik ko ‘to sa impyernong pinanggalingan niya.   Nagbo-blower na ako ng buhok nang marinig ang boses ni Ate Kiana. “At kanino naman itong suit na ‘to?” nang marinig ‘yon ay napatingin ako sa salamin at nakita ang magaling kong kapatid na nakabihis na at may hawak na— ‘shocks!’ Dali-dali akong napabaling sa kanya at nanlalaki pa ang mga mata nang makita ang suit na suot ko kaninang umaga. Dinaig ko pa si Naruto sa bilis ng takbo maagaw lang ‘yon kay Ate.   “Alam mo, napaka-pakialamera mo talaga eh no? Mamayang gabi ‘wag ka ng makikitulog dito ha?” nanggigigil na baling ko dito. Dumiretso ako sa walk-in closet ko at naghanap ng plastic na pwedeng paglagyan nito. Nang makahanap ay agad ko iyong tinupi at nilagay doon. Matapos itong itago ay lumabas na ako.   Agad kong sinamaan ng tingin si Ate Kiana na pangisi-ngisi habang sya naman ay pumalit sa pwesto ko sa may vanity mirror.   “Umalis ka nga diyan sa pwesto ko! Lumabas ka na rin ng kwarto ko at please, pakidala na rin ng mga gamit mo! Kung saan ka matutulog, wala na akong pakialam basta lumayas ka lang dito.” Naiinis na sabi ko habang siya naman ay patawa-tawa lang na umalis sa upuan.   Nasa may pinto na ’to nang magsalita na naman ang matabil nitong dila. “Okay lang naman kahit hindi ako matulog dito, basta ba, sasabihin ko kina Mom and Dad kung saan ka galing kagabi—“ napahinto ito at napaiwas nang agad ko itong batuhin ng bote ng lotion ko. “— at kung anong ginawa mo.” Pagkatapos sabihin iyon ay agad na itong lumabas ng kwarto. Buti na lang, at baka itong salamin ang maibato ko. Mas mahal ko pa ‘to kaysa sa ate ko.  ‘Argh!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD