Chapter 4

3067 Words
Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso na ‘ko sa kusina para mag-agahan. Doon ay naabutan kong nagsisimula na sina mom at dad, nandoon na rin ang nakatatanda naming kapatid na si Ate Phoebelyn.   “Good morning Mom . . . Dad.” Sabay halik sa pisngi ng mga ito.   Pagkatapos ay naupo na rin ako sa tabi ni Ate Kiana na pangisi-ngisi pa. Pasimple ko naman itong sinamaan ng tingin at sinipa ang paa sa ilalim ng mesa.   “How’s your studies?” tanong ni Dad.   Natahimik kami ni Ate Kiana. Kami na lang dalawa ang nag-aaral dahil tapos na si Ate Phoebelyn at siyang namamahala ng malawak na flower farm namin sa Bicol.   Nang walang magsalita ay sumingit na si Mommy. “I’m sure they are trying their best, Gregor. Right?”  tumingin ito sa amin kaya naman tango lang ang naibigay namin. “Let’s just trust and support them, huh?”   Hindi naman masyadong istrikto si dad, pero ayaw niya sa mga taong walang malinaw na pangarap for their future at mas lalong ayaw niya sa mga taong puro salita lang at wala namang ginagawa para matupad iyon. Unlike kay mom na suportado lang sa kung ano ang gusto namin.   “I want them to DO their best, sweetheart. Trying is not enough.” Baling naman nito kay Mom.   Bago pa man magka-tensiyon sa hapag-kainan ay pumagitna na si Ate Phoebelyn habang kami naman ni Ate Kiana ay nagpatuloy lang ulit sa pagkain. “By the way Dad, marami ang naideliver naming mga bulaklak this month, especially Valentine’s day kahapon so triple ang naging sales natin compare to the previous months.”   “Good. Speaking of Valentine’s,” kapagkuwan ay bumaling naman ito sa ‘kin, “how about you Mira? You said the other day na may lakad daw kayo ngayon ni Kelvin, what are your plans for today?”   Natigilan naman ako sa pagsubo dahil sa sinabi nito.   ‘Nagsabi ba ako?’   Napapikit na lamang ako habang pinapagalitan ang sarili.   ‘Bakit ba naman kasi kailangan mo pang iannounce ang mga lakad mo, Cass eh?! Ngayon paano mo ‘to lulusutan, ha?’   Ito pa ang isa sa mga problema ko. I know how dad likes Kelvin for me. A lot. Siya lang ang kaisa-isahang lalaki na pinayagan niyang manligaw sa ‘kin. Ang mga naging nobyo ko noon ay hindi nila alam kaya hindi rin kami nagtagal. Bukod doon ay magkaibigan din sila ng parents ng hinayupak na iyon. Kaya hindi ko alam kung paano ipapaalam sa kanila na wala na kami dahil nagloko ito.   “Ahm . . . dad—“   “It’s okay. You can have the whole day, since grounded ka kahapon. I’m sure namimiss mo na rin si Kelvin.” Pagtutudyo nito sa akin na sinabayan pa ni Mommy at Ate Phoebelyn. I can’t help but to force a smile.   “Just don’t forget our rules. Be there before 10:00 p.m. You have school tomorrow.”   “Y-yes dad . . .”   ‘Wala na. Wala na talaga.’   Napabuntong-hiniga na lang ako. Pinilit kong maging kalmado kahit nabibingi na ako sa kabog ng dibdib ko at sa nagsusumigaw na sistema ko.   Pagkatapos mag-agahan ay bumalik na ako sa kwarto. Tinatamad na sana akong lumabas pero baka magtaka sina mom at dad dahil na rin nakapagpaalam na pala ako noon na may lakad kami ngayon.   Nakahiga ako sa kama nang maisipan kong tawagan si Glency, isa sa mga kaibigan ko. Nakatatlong ring pa ito bago sumagot.   “Glency girl, what are your plans for today? Hang-out tayo! Post-Valentine’s Celebration!” alok ko sa kabilang linya habang nakangiti at tumataas-taas pa ang dalawang kilay.   [“Alam mo ang bastos mo, girl. Wala ka man lang talagang good morning greetings. Kaya napaghahalataan kang user eh.”]   Napataas na lang ako ng kilay. Sanay na ‘ko sa mga drama ng babaeng ‘to. ‘Kaaga-aga . . .’ Napailing na lang ako.   “So ano nga? Hang-out? Tawagan mo na rin si Joanne, para the more, the merrier . . .” nakangising tanong ko ulit.   [“Ah gano’n. Since break na kayo ng jowa mong babaero at wala ka nang kasama sa mga lakad mo eh kami na naman ulit ngayon, gano’n?”] napangiwi na lang ako sa sumbat ng kaibigan kong ‘to. Sa aming tatlo, ito talaga ang matampuhin eh.   “So magsusumbatan talaga tayo dito ngayon? Alam mo ang arte mo, no? Pwede ka namang humindi kung ayaw mo. May paawa effect ka pa talagang nalalaman eh, akala mo naman bagay.”   Tumawa ang nasa kabilang linya, [“Oo na. Kung ‘di ka lang talaga broken hearted eh.”]   Matapos mag-usap kung saan at anong oras magkikita ay ibinaba ko na ang telepono. Ilang minuto pa akong nanatili sa paghiga at pagmumuni-muni nang marinig ko na naman ang boses ng demonyita kong kapatid.   ‘Mang-aasar na naman ‘to, panigurado.’   “So ano na ang gagawin mo ngayon, my dear sister?” Kahit hindi ko ito tignan, sigurado akong nakataas ang kilay nito. Hindi ko na lang ito pinansin dahil naiinis pa rin ako sa mga pinaggagawa niya kaninang umaga. “You do realize that dad will be really, really get mad if he knows about this, right?” tanong pa ulit nito.   Naiinis na binalingan ko ito. “And what do you want me to do, huh?” asik ko. “Makipagbalikan do’n sa gago at babaerong ‘yon!? Hindi ba’t ikaw na nga ang nagsabi na what I did last night is good for me? Eh ano tong mga pinagsasabi mo ngayon?”   Bago pa man makasagot ay tinalikuran ko na ito at dumiretso na sa banyo. After nearly an hour, natapos din ako. Dumiretso na ako sa walk-in closet at doon naghanap ng masusuot. I just wore a simple floral tube top paired with black pants and white shoes. Nagsuot na din ako ng denim jacket para matakpan ang balikat ko. I just put a light make-up on my face and then tapos na!   Paalis na sana ako nang may makalimutan akong dalhin. Pumasok pa akong muli sa walk-in closet at pumili ng bag. Nang makapili ay dire-diretso akong naglakad sa may pinto palabas. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ay may matinis na boses na akong narinig sa likuran ko.   “Hey, that’s my YSL monogram shoulder bag, you brat!”   ‘Pake ko naman?’   I just give her a dead pan look. “So? Sa dami ng atraso mo sa ’kin ngayong araw na ‘to, kulang pa ‘tong cheap mong bag sa pambayad mo sa ‘kin.” Tinaasan ko ito ng kilay habang hawak ang bag. “And besides, haven’t I told you that your things will serve as your collateral for ruining my peaceful nights and days? And what happened earlier . . . was not an exception.” Kapagkuwan ay basta ko na lamang ito nilayasan at pabagsak na isinara ang pinto.   Dumiretso ako sa garahe at sumakay sa Baby Audi A3 ko. Isa ‘to sa mga regalo sa’kin ni Ate Phoebelyn along with my favourite Harry Potter book set noong debut ko one year ago. Kung nagtataka kayo kung anong regalo ng demonyita kong kapatid sa ’kin . . . wala! Inis pa nga sa’kin dahil mas nagmukha pa siyang bisitang makikikain kesa may birthday na dapat ay kasabay kong nag-celebrate.   Habang nasa biyahe ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Glency. Hindi umano ito makakarating dahil may emergency syang lakad kasama ang mga magulang niya mamaya. Paniguradong isasama na naman ‘yon sa mga business parties ng parents niya. ‘Poor Glency.’   Napag-usapan namin na magkikita kami ni Joanne sa mall na malapit lang sa school namin. We don’t really have plans for today, marahil ay gusto lang nitong pag-usapan kung anong nangyari sa akin pagkaalis ng bar kagabi kaya pumayag na mag-‘hang out’.   Nang makababa sa kotse ay naglakad ako papasok at iniisa-isa ang mga boutique kung saan mahahanap si Joanne.   “Saan ba kasing boutique?” naiinip na tanong ko sa sarili.   Abala ako sa pagkalikot ng phone ko nang bumangga ako sa isang matigas na bagay kaya bahagya pa akong napaatras. Bubulyawan ko na sana kung sino man ang bumangga sa’kin nang mapatitig ako sa asul na mga mata nito. Ilang segundo pa akong tulala nang matauhan dahil sa kamay na wuma-wagayway sa harap ko.   Naipiling ko pa ang ulo dahil sa hiya. “Gosh, this is so embarrassing!” mahinang bulong ko habang nagkakamot ng pisngi at nakaiwas ang tingin.   “Ahm, ano ‘yon?” tanong ng lalaki sa harapan ko.   “Ah wala. Sabi ko sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, nabunggo pa tuloy kita.” Nababagot na sagot ko kahit halata namang malayo sa paghingi ng sorry ang tono ng boses ko at saka muling inilibot ang tingin.   ‘Nasaan na ba kasi ‘yung bruhang ‘yon?’   Nakapameywang lamang ako habang patingin-tingin sa phone ko. Halos magsalubong na ang kilay ko nang pagtingin ko’y wala pa ring text galing kay Joanne.   ‘Ang galing-galing mo talagang magbigay ng direksyon, babae ka! Napaka-precise, grabe!’   Natigil lamang ako sa ginagawa nang makarinig ng mahinang pagtawa. Naibaling ko ang paningin sa harap at nakita si blue-eyed guy na siyang tumatawa. Napataas ako ng kilay.   ‘Pinagtatawanan ba ‘ko nito? Kahit gwapo ‘to, masasapak ko ‘to. Bakit nga ba hindi pa ‘to umaalis dito?’   “Sorry for that. It’s just that . . . you look . . . cute.” Natatawang sabi nito.   Sandali akong natigilan dahil sa pag-compliment nito. Naramdaman ko pang nag-iinit ang pisngi ko kaya naman pinigilan ko ang sariling mangiti at saka umayos ng tayo.   “Are you hitting on me?” kunyaring naiinis na tanong ko habang nakataas ang kilay.   Imbes na sagutin ang tanong ko’y bahagya muna itong umubo, kapagkuwan ay inilahad nito ang kamay at nagpakilala.   “I’m Will. And you are?” tanong nito.   “I’m . . . leaving.” Nginitian ko pa ito bago lagpasan nang makita si Joanne sa likod nito na papalabas sa isang boutique malapit sa pwesto ko kanina.   Nang makalapit ay malakas ko itong nahampas sa braso.   “What the hell, biatch!?” malakas na singhal nito kaya’t nagtinginan ang ibang mamimili sa’min.   “Yung bunganga mo.” Pag-aalo ko dito. Kapagkuwan ay pinameywangan ito habang iwinawasiwas sa mukha nito ang phone na hawak ko. “Alam mo ba kung ilang boutique na ang nadaanan ko kahahanap sa’yo? Tapos ikaw, ni isang text man lang, wala! Magtetext ka nga, hindi naman specific. Ano, gusto mong palibutin sa’kin ‘tong buong mall?”   “Ay wow?” sarkastikong sagot nito na bahagya pang inatras ang katawan. “Eh sino bang tumawag para mag-‘hang out’, ‘di ba ikaw? So magtiis ka. If I know, tumatakas ka lang naman sa bahay niyo.”   “Wala na ‘kong masabi. Ang dami mo talagang alam eh no?” Pagsuko ko at bahagya pang napangiwi. “For sure, sumama ka lang kasi makiki-tsismis ka.” Tatawa-tawa pa itong naglalakad palayo. Napailing na lang ako at walang nagawa kung hindi sumunod na lang.   Ilang lakad pa ang ginawa namin bago pumasok sa isang coffee shop. Pagka-order ay naghanap na kami ng lamesa at mauupuan, napili namin ay ‘yung malapit sa may glass wall pero natatakpan ng mga halaman sa labas ang salamin.   Pagkaupo ay sya namang pagdating ng order namin. Café frapuccino at lasagna lang ang order ko habang caramel macchiato and blueberry pancake naman ang sa kanya. Nagkukwentuhan kami habang kumakain nang mapadako ang usapan namin kay Kelvin.   “So paano mo siya pakikiharapan bukas?” Tanong nito matapos sumimsim ng inumin niya. “Natural na magkikita at magtatagpo ang landas niyo lalo na’t iisang school lang naman tayo ng pinapasukan . . .”   Nagkibit-balikat lamang ako. Isinubo ko pa ang nahating lasagna bago sumagot.   “Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, hindi ko na siya sasalubungin with wide open arms.” I can’t help but to roll my eyes. “Ang lagay eh, ako pa ang iiwas sa kanya? Ako ba ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay? Manigas siya! Kung may dapat man na mahiya sa aming dalawa, hindi ako ‘yon oyy.”   “Eh saan ka naman pumunta pagkalabas mo kagabi? Hindi mo lang talaga ako hinintay ah. . .”   “Wala . . . nagpahangin lang . . . naglabas ng sama ng loob.” Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang masabi sa kanya ang totoo. May tiwala naman akong hindi niya ipagsasabi ‘yon kahit kanino o huhusgahan ako nang basta-basta. Pero tama na muna sigurong kami lang ng demonyita kong kapatid ang nakakaalam. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa isiping ‘yon.   “Hoy!” napukaw ako nang maramdaman ko ang mabigat na kamay ni Joanne sa braso ko.   Sinamaan ko ito ng tingin.   “Eh kasi naman po, tulala ka na diyan.” Mataman pa ako nitong tinignan bago ulit nagsalita. “May hindi ka sinasabi . . .” It’s a statement rather than a question. Nang walang maisip na sagot ay naibaling ko na lamang sa ibang direksyon ang paningin ko. Nag-uumpisa na namang lumipad ang isip ko sa kung saan nang magsalita ulit ito. “Nag-usap kayo ni Kelvin kagabi ‘no?”   Naibaling ko ang tingin sa tanong nito sabay ng pagkunot ng noo ko. “What are you talking about? That was our last talk . . . in that bar . . . with his b***h. Well, if you consider that a ‘talk’.” Sagot ko at nagawa pang itaas ang dalawang daliri ng dalawang kamay ko.   “Kasi nakita kong sumunod sa ‘yo si Kelvin when you stormed out. Kaya akala ko nagkausap pa kayo.”   Ilang segundo pa akong tahimik bago ibahin ang usapan. Baka kung saan pa ‘to mapunta at mapaamin ako ng wala sa oras.   “Aish, ‘wag na nga nating pag-usapan ‘yong lalaking ‘yon. Tara na at nang makauwi na tayo . . . magrereview pa ‘ko. Palibhasa ayaw mong magpakopya eh . . . ‘di sana magkasing-taas tayo ng grades sa major.” Nakangiwing sabi ko.   Tinawanan lang ako ng loka-loka. “Eh paano ka matututo kung mangongopya ka lang? And in case you didn’t know, naghihirap din naman ako sa pagrereview at pagsagot ng mga out of this world na questions ni Ma’am.”   “Wow . . . Hermione Granger ikaw ba ‘yan?”   “Gaga!” para kaming baliw na tumatawa habang palabas ng café.   Marami pa kaming dinaanan at binili bago tuluyang magpaalam. Gabi na nang makauwi ako at laking pasasalamat ko nang maabutan kong tulog na ang demonyita kong kapatid.       Hindi ko alam kung bakit palagi na lang ako parang namomroblema kahit wala naman akong pinagdadaanan. Ni ang hiwalayan nga namin ni Kelvin ay parang hindi naman ata nakaapekto ng lubos sa’kin. Alam ko naman sa sarili kong minahal ko siya kahit papaano, pero wala akong maramdaman na dapat maramdaman ng isang babae kapag nahuli niyang nagloko ang kasintahan niya.   ‘Normal ba talaga ako?’   Panay pa ang buntong-hininga ko, kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat ko nang marinig ang galit na boses ni Miss Sabrosa. Ang strikto naming teacher sa Thermodynamics na sa edad na singkwenta ay single pa rin. Kaya nga siguro strikto ‘to ay dahil nagsabay-sabay ang pagme-menopause at ang inis dahil sa pagiging single forever niya.   Napatayo ako nang wala sa oras at walang kaide-ideyang tumingin sa paligid nang makarinig ng malakas na tawanan.   “M-ma’am?” nakatayo pa ring tanong ko sa kanya.   “I’ve been calling your name so many times Miss Almonte but you’re not paying attention!” Galit na naman ang tigre natin . . . “Hindi porket broken hearted ka ay pwede ka nang magtanga-tanagahan dito sa klase ko!” Masungit na sabi nito. Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ma’am, hindi dahil sa tinawag niya akong tanga kundi dahil na rin sa kadahilanang updated siya sa love life ko.   Napabaling ako sa kanan ko at agad na nakitang nag-peace sign si Glency habang tipid na nakangiti.   ‘Sinasabi ko na nga ba . . . Napaka-detailed talaga nito magbigay ng dahilan kahit kelan.’   Umiling na lamang ako at napabuntong hininga, at saka tumingin ulit sa harap nang marinig ang boses ni Ma’am Sabrosa.   “Answer this question!” napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa masungit pa ring boses ng instructor namin. Nanatili na lamang akong tahimik lalo na’t nagsimula na itong basahin ang tanong na nakalagay sa mahiwaga niyang index cards.   “A copper wire is connected to a 6 V battery and has a certain amount of current flowing through it. Which of the following changes will result in a decrease in the current in the copper wire?   Letter A, increasing the temperature of the wire. Letter B, increasing the length of the wire. Letter C, increasing the thickness of the wire. Letter D, both A and B. And last but not the least, letter D, none of the above.”     ‘s**t ang daming option!’     Nakagat ko na lamang ang dila ko sa kaba. Pasimple akong sumulyap sa kaliwa ko at nakitang pasimpleng humahaplos si Joanne sa buhok nito habang iniinat ang apat na daliri na tinatakpan nito ng buhok.     “Well, Miss Almonte?” naibalik ko ang paningin kay Ma’am Sabrosa. At lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, lalo na’t kami ang nasa hulihang upuan sa second row.     “Letter D po . . . Ma’am?” Kunwaring hindi sigurado na sagot ko.     “Are you sure?” nakataas na kilay nito. “Kindly explain why your answer is letter D?”     Kinabahan ako bigla. Ba’t ba nakalimutan kong hindi ‘to basta-basta naniniwala sa sagot ng estudyante niya nang wala man lang explanation?     Alam kong madali lang ‘tong tanong ni Ma’am, pero ba’t wala akong mahitang sagot sa utak ko?     Ilang segundo pa akong walang maisagot nang magtaas ng kamay si Joanne.     “Yes, Miss Perez? Mabuti pa nga’t tulungan mo na itong kaibigan mo, at baka bukas pa tayo matapos dito.” Narinig ko na naman ang mahinang hagikhikan ng mga kaklase ko sa unahan namin.     Dahan-dahan na lamang akong naupo sa silya ko, kasabay naman no’n ay ang pagsagot naman ni Joanne.     “Given the formula, resistance is equal to voltage divided by current, or simply R = V/ I, we can already tell that the resistance is directly proportional to the voltage, meaning, when we increase the resistance, the voltage will also increases.”     Pumunta pa ito sa may white board sa unahan para mas makapagpaliwanag at saka nagpatuloy.      “Since the resistance is indirectly proportional to the current, it means, as the resistance increases, the current decreases. And both A and B will help the resistance increase, so it only means, the current will decrease as they have an indirect relationship.”     Natapos ito at nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin.     Alas-onse na nang umaga at kanina pa nag-aalburoto ang tiyan ko sa gutom. Nakapangalumbaba na lang ako habang sinusulat ang mga pointers to review sa nalalapit naming last periodical exam. Halos apat at kalahating oras din kaming nakaupo dito mula pa kaninang alas-otso, at ni hindi man lang kami nakapag-snack sa kadahilanang naghahabol na daw kami ng lessons.       Tahimik lang akong nagsusulat nang kalabitin ako ni Glency at may itinuturo sa bench na nasa malapit sa may room namin. At doon ay nakita ko si Kelvin, nakaupo at may dala pang boquet ng bulaklak na may mga chocolates sa loob. Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng dumadaan at naghahagikhikan pa sa kilig para mapansin ng hinayupak.       Napataas lang ang kilay ko sa nakikita. Hindi ko alam kung bakit wala naman akong maramdaman na nag-uudyok sa’king balikan si Kelvin, pero gano’n na lamang ang kabog ng dibdib ko sa kaba. At hindi ko alam sa kung anong dahilan.       ‘Bakit kaya?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD