"Hon, sunduin lang natin ang mga bata tapos umuwi na muna tayo." "Sige, ikaw ang bahala. " "Are you okay? Mukhang namumutla ka?" "I'm fine. I think hon, tawagan mo nalang si Manang Caring na hindi muna tayo uuwi." "A-akala ko ba aalis tayo?" "Hon, siguro next time nalang," saad ni Nene habang nakasandal sa upuan ng kotse. Bigla kasi s'ya nahilo. Pagdating sa bahay ng magulang n'ya. Pareho sila nagtaka ni Hunter kung bakit sobrang tahimik. Usually, pagnandito ang mga anak n'ya ay sobrang ingay ng buong bahay. "Oh, anak! Nandito na pala kayo. Kumain na ba kayo?" "Mommy busog pa kami. Nasaan ang mga bata, mom?" "Nasa taas sila kasama ang daddy mo! Umalis naman kasi ang mga kapatid mo." "Mommy, uuwi kami ngayon. Hon, tawagin mo na ang mga bata." "Anak, hayaan mo na sila dito muna. K

