Halos ilang oras na silang aligaga dahil sa kakaiyak ni Nene. Nalaman kasi nito na syrup ang nilagay nila sa kape kaya naging kulay purple ang itsura. "May kasabihan po ang mga matatanda na kailangan kung ano ang hinihingi ng buntis kailangan ibigay mo ito dahil kung hindi maaring makunan ito," saad ng matandang katiwala nila. "Nanay Thelma, naniniwala pa po talaga kayo sa mga kasabihan? Mga superstitious belief lang ang mga iyan," sagot ni Cel sa matanda. "Hija, walang mawawala kung maniwala tayo." "Sa bagay may point po kayo, nay!" "S-so, meaning to say need talaga namin maghanap ng kape?" Sabat ni Hunter sa dalawa. "Yes, exactly!" "Dad, I need your help. B-baka may kilala kayong nagbibinta ng purple na kape." "I-i'm sorry pero may misyon ako." Napakunot naman ang noo ni Cel d

