Chapter XV Kinabukasan, agad kong tinawagan ang mga furniture shops na pagkukuhanan ko. Pasalamat ako at talagang nagustuhan niya ang huling design ko. Nasa bahay na niya ang team ko. Sinabi ko na naman sa kanila kung ano ang gagawin nila. Pupunta rin naman ako doon mamaya dahil mamaya na ide-deliver ang mga furnitures na in-order ko. Inaasahan kong nandoon Si Giyn, ang babaeng may-ari ng bahay. Mas maganda na rin iyon para kapag may ayaw siya ay maka-adjust kami kaagad at hindi iyong kung kailan tapos na ay tsaka siya may ipapabago. Pagkatapos ko sa ginagawa ay agad na akong naligo at nagpalit. Kinuha ko ang gamit ko bago bumaba at dumiretso sa sasakyan ko. Hindi pa man ako nakakalayo ng bigla itong tumirik. Agad akong lumabas at binuksan ang harapan ngunit sumalubong sa akin ang put

