Chapter XVI Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may humintong sasakyan sa gilid ko. Inis kong tinignan ang driver non na walang iba kung hindi si Toffer. Ano na naman bang kailangan nito sa kaniya? Wala ba itong trabaho at kung makasunod sa kaniya ay akala mo body guard niya? "Ano na namang ginagawa mo dito, Dela Marcel?" sabi ko sabay irap. Ngumiti lang siya ng matamis sa akin na akala mo ay may ginawa akong maganda sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakatakot din ang pagsunod sunod nito sa kaniya. Noong isang araw akala niya may sumusunod sa kaniyang magnanakaw dahil nakasumbrero ito at hindi ko makita ang mukha niya. Nang lumapit ito ay pinagpapapalo ko kaagad na dapat hindi dahil si Toffer pala iyon. "Binibisita ka?" nakangising sabi niya. "Wala akong sakit. Umuwi ka

