Chapter XXV Bumuntong hininga ako bago nilingon ang gate ng bahay namin. Ilang araw ko na ring iniiwasan si Dad. Kahit anong gawin ko, Daddy ko parin siya. Kahit gaano kalaki ang nagawa niyang kasalanan, daddy ko parin siya. Hindi naman natatanggal ang pagiging magulang dahil sa pagkakamali. Katulad ng sabi ni Tita Ysa, ginawa lang iyon ni Daddy kasi iyon ang tingin niyang tama. Iba ang isipan ng magulang, lagi nilang tinitignan kung ano ang mas makakabuti para sa anak nila. Ano pa bang magagawa ng galit ko? Kahit naman hindi na ako umuwi ng ilang taon hindi na nito maibabalik ang nakaraan. "I'll fetch you later?" tanong ni Toffer. Nilingon ko siya at umiling. Wala pang alam si Daddy o kahit sino tungkol sa kasal na kami. Kumunot ang noo niya sa ginawa kong pagiling. "Toff—" "I'll

