Chapter XXVII I crossed my arms as I look at my finished product. Bigla akong nakaramdam ng inggit kay Lia. She is indeed having a baby and this nursery that I am working on is one of that proof. Hindi ko alam kung bakit ako naiingit. I wasn't ready for baby. Nagsisimula palang kami ulit ni Toffer. Gusto ko sanang maging maayos muna ang lahat bago kami magkaanak. "Oh God! It's beautiful. Liam, look..." mabilis akong tumalikod at tinignan si Lia. Halatang nagustuhan niya ang gawa ko. Hindi nagtagal ay nasa likuran na niya si Adam at Toffer. Ngumiti ako ng makita ko si Toffer. Simula ng sabihin kong ayaw kong nawawala siya ng hindi nagpapaalala ay hindi na siya umalis sa tabi ko. Sinasama niya ako sa office niya, pinagawan niya ako ng sariling table doon. "Thanks, Yxel." tinanguhan

