Chapter XXVIII "What's wrong?" tanong ni Toffer ng makapasok ako sa kwarto namin. Hindi ako nagsalita. Umiling lang ako at lumapit sa kaniya. Nakahiga na siya sa kama at nagbabasa ng librong maaaring kinuha sa book shelf ko. Umakyat ako sa bed, gumapang palapit sa kaniya at yumakap. Mabilis nitong binaba ang librong hawak at inayos ang buhok ko palayo mukha ko hanggang sa matitigan niya ako ng maayos. Marahan niyang hinaplos ang halos ang pisngi ko kasabay ng mabigat na pagtitig iba na para bang binabasa ang buong pagkatao ko. "What's wrong, babe? Tell me. You know you can tell me everything." masuyo siyang tugon. Umiling ako at pilit na ngumiti. Knowing Toffer, kapag nalaman niyang sinaktan ako paniguradong magwawala siya. Ayaw ko na ng gulo. By now, alam na siguro ni Sam na alam

