Chapter XXIX Hindi ko naman kasi sinasadyang sabihin iyon. Nagpadalos dalos na naman ako. Masyado akong naging emosyonal kaya nasabi ko ang mga bagay na hindi ko dapat nasabi. Siguro iniisip niya ngayon na hindi ko pa siya talagang napapatawad dahil sinabi ko iyon pero sa totoo lang wala na. Wala na akong galit na dinadala. Kung meron mang natitira sa akin ay ang panghihinayang sa anim na taong iyon. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko pero hindi ko kasi intensiyong sabihin iyon. Bumuntong hininga ako at pinindot ang ground floor. Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya. Kailangan ko talagang makita si Sam. Sa galit kasi ni Tita parang sobrang lala ng nangyari at alam kong kung hindi malala hindi niya naman ako sasaktan ng ganun. Hindi siya susugod at ipapahiya ang sarili niya.

