"Ano? Hindi pa ba tayo uuwi?" agad kong tanong ng bumukas ang pinto at iluwa siya. Nangangati na ako sa suot kong damit. Hindi pa ako nakakaligo! Isa pa, hindi pa ako nakakapagpaalam! "Grabe naman Misis! Hindi mo man lang ba ako pagpapahingain? Pagod kaya ako!" inirapan ko siya at binato ng unan. "Don't call me that! You're not my husband! It wasn't my fault na pagod ka! Sinong tanga kasi ang nagsabi sa'yo na ipunta mo ako dito? Ugh! Just f*cking rest because I want to go home!" sigaw ko. Tinignan niya lang ako. Tumalikod siya at binuksan ang pinto malapit sa maliit na pinto na hula ko ay banyo. Paglabas niya ay may dala siyang sweatpants at shirt. Nilapag niya iyon sa gilid ng kama. Tumaas ang kilay ko doon. "Bawal magmura dito Yxel" mahinahon niyang sabi. Umirap ako. Ano ngayon?

