Chapter XI Inirapan ko siya ng makitang nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa laptop niya pero maghapon na siya doon. Bumaba lang siya ng nagluto ng pagkain namin at hugasan iyon ulit. Nilipat ko ang channel ng TV. Kanina ko pa ito paulit ulit na ginagawa. Titigil lang ako saglit tapos ililipat ko ulit. Kapag naiirita ako sa kaniya ay nilalakasan ko ang volume para hindi siya makapag-concentrate. Halata namang nagtitimpi siya pero pinipigilan niya. Ang sarap niya lang paglaruan. Gusto ko din ibato ang remote sa kaniya pero tsaka na pag nainis na ako ng sobra o kaya kapag lumapit siya. Pwede rin namang iyong vase para mas malaki. "Gusto ko ng fries! Kuhanan mo ako" utos ko sa kaniya. Nilingon ko niya ako. Tinaasan ko lanh siya ng kilay. May pinindot siya s

