Jadie's POV NANDITO na kami ngayon sa opisina at abala ang lahat sa pagso-sort ng mga bagong kaso. As usual, gano’n pa rin po dahil parami nang parami ang mga kriminal hindi lang sa Pilipinas, kung hindi ay sa buong mundo. Kung ganito lang pala ang bagsak ko ay sana hindi na ako nagpulis pa ang naging businessman na lang. Puro kasi dokumento at computer ang kaharapan ko habang nakaupo at panay ang kadudutdot dito. Pero kailangan eh. Kailangan ko pa rin ng tiyaga upang matapos ang lahat ng ito. Iniisip ko na lang na wala namang taong hindi nag-umpisa sa mababang posisyon bago umagat. Kagaya ng dati, marami pa rin ang mga naitatalang kaso nang paulit-ulit na krimen. Hay naku, ewan ko na lang talaga kung hindi masunog 'tong mga 'to sa impyerno. Kung tutuosin ay para na na ngang impyerno ang

