Gian's POV ALAS singko y media na ng hapon, nandito na kami ngayong lahat sa harap ng apartment habang nagda-drama si Sara, na para naman kaming sasalangit na. Gaga talaga anf babaeng ‘to! Siya pa lang ‘yung nakilala ko ganyan pero ‘wag kayo dahil siya rin ang isa sa mga nagbibigay kulay sa samahan namin. Syempre ay si Jadie ko ang number one, ‘no? Number one sa puso ko. "Sulatan niyo 'ko, ah? Mami-miss ko kayo," madamdaming eksena niya. Oh, olats kayo sa amin dahil grupo kami ng mga sikat na artista, nabagyo nga lang ‘yung iba at katulad nito. "Over acting! Parang tatlong araw lang?" singhal naman ng pinsan niyang damulag. Kung hindi ko lang kilala itong mga 'to, iisipin ko talagang baliw sila. Hindi nga ako makapaniwalang pulis na sila eh. Private Benjamin 'tong kwento namin si Leo ‘

