Jadie's POV Nagising ako na masakit ang aking ulo. Sa taas, ah? Hindi sa ibaba, mga berde kayo! Sinubukan kong bumangon pero 'di ko talaga kaya, peksman, mamatay man si batman. Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko,tila wala akong lakas sa mga oras na 'to. Dahil siguro ito sa ininom kong alak? Wala rin akong maalala sa mga nangyari kagabi, ang alam ko lang ay nag-inuman kami at wala ng iba. Parang bigla akong nagka-amnesia? 'E ‘di, may naalala ka rin,' sabat ng magaling kong brain. Tama nga naman siya. Ang astig, genius! 'Di ko rin alam pero waley ako sa part na 'to. Mataas na ang sikat ng araw nang tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa may dingding, ala una na pala ng hapon, s**t! Pinilit kong bumangon kahit sa kama man lang pero wala talaga. Sadyang bumibigay ang katawan ko sa

