Jadie's POV Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako kanina. Ngayon, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Bumangon ako at tumungo sa banyo, naisipan ko kasi munang maligo bago bumaba dahil nakakaramdam na 'ko ng panlalagkit sa katawan lalo na sa mga labi ko. Kailangan kong puksahin lahat ng germs na ikinalat nang unggoy na ‘yon dito, ‘no? Mahirap na at baka matulad ako sa pagka-ulol niya! Hindi ko maapuhap kung bakit affected ako sa halik niya and it sounds like gay to me?b Pagkaharap ko sa may sink ay inuna ko munang magsipilyo, dahil sinakop na ng mga bacteria ang bibig ko, galing doon sa unggoy na lukaret. Naiinis ako sa isip ko pero iba ang sagot ng katawan ko at hin do gusto ito! It's like there is something na nabuhay sa sistema ko. Hindi ko alam pero ramdam ko. Napabuntonghing

