HINDI naman sumama si Demi para aluin si Simon. Wala siyang balak na iparamdam dito na may pag-asa pa sa kanilang dalawa. Hinayaan lang niyang mailabas nito ang lahat ng saloobin. Tamang-tama wala rin itong naiintindihan sa mga komento ng mga nadaraang tao sa pwesto nila. "I should have approached you way sooner..." patuloy na wika nito kasabay nang pagpatak ng mga luha sa mga mata. Tinungga nito ang biniling inumin at bumaling sa tabi niya. Marahil nagtataka na rin ito bakit wala man lang siyang sinasabi gayong iyon naman talaga ang plano niyang gawin. "If only Irie didn't stop me. Sana ay nagawa ko ng makipag-usap sa 'yo ng mas maaga, hindi na rin sana umabot ng ilang taon. But he kept on insisting that it's not yet the right time that I speak with you. In the end, we're now in bad term

