Sixty-six

1573 Words

"MATAGAL ka bang naghintay?" bungad na tanong ni Zain kay Demi nang maabutan siya nitong nakaupo sa may gutter sa gilid lamang ng kalsada. Tumayo siya para salubungin 'to. "Hindi naman, saka 'di naman ayoko masyadong nagtagal na naghintay. Dumating ka rin naman agad," aniya. Pinagpagan niya ang suot na jeans na may mga dumikit ng alikabok dahil sa mga nagdaraang mga sasakyan kanina pa. "Sana sa loob mo na lang ako ng kotse hinintay." Umiling siya saka itinuro ang pobreng sasakyan ni Cloud na may ticket ng nakalagay sa harapan niyon. Nagkunwari lamang siyang 'di sa kanya ang kotse dahil takot siyang kausapin ng nga traffic enforcer na naroon na kanina pa naghihintay sa may-ari ng sasakyan. "Tinawagan mo na ba si Cloud?" tanong ni Zain na ito na rin ang personal na kumausap sa mga mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD