NASASAKTAN man ang ama sa napagtanto nitong pagbabalewala noon sa mga sinabi ni Demi. Lalong-lalo na ang tungkol sa hindi isa lamang aksidente ang nangyari sa kapatid, personal na nalaman 'yon ng kanyang ama kaya labis-labis ang paghingi nito ng tawad sa kanya. "How far had your investigation gone through?" tanong na lamang niya habang magkasalikop ang mga kamay. Gusto niya munang marinig sa ama na alam na nitong buhay ang kapatid niya dahil kung sakaling wala pa ito sa puntong 'yon ay 'di niya balak na sabihin pa muna rito sa pag-aalalang baka pigilan siya ng ama sa kanyang mga gagawin. "Someone drugged Divo before the accident. Kapareho 'yon ng substance na dating na-intake ng nobyo ni Dr. Sulivan, kaya tinutulungan niya akong aralin 'yon maging matukoy din ang pinagmulan ng mga sangk

