CHAPTER 75 WALANG IMIKAN sina Kirsten at Lavi habang nakaupo sila sa isang bench sa park na napuntahan nila. Naisip ni Kirsten na mas kakalma si Lavi kung dadalhin niya ito sa lugar kung saan mayroonv preskong hangin. Mabuti at may malapit na park sa coffee shop na kinaroroonan nila kanina. Maaga pa naman. Alas dos pa lang naman ng hapon kaya naman may oras pa silang magpalamig. Nilingon niya si Lavi nang marinig niyang bumuntonghininga ito. Akala niya ay makikipag-away ito kanina kay Anthony. Mabuti na lang ay nagpagtianod ito sa kaniya nang hilahin niya. "Lavi," tawag niya rito. Lumingon ang nobya niya sa kaniya. "Sorry sa nangyari kanina sa coffee shop." Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Ramdam ni Kirsten na wala na sa mood si Lavi pero ayaw niyang maging ganoon ang mood nito hangg

