CHAPTER 74 NAGKITA SINA Kirsten at Lavi sa mall. Hindi na siya nagpasundo pa sa condo nila dahil naisip niyang baka maabala pa niya si Lavi. Alam naman niyang okay lang naman sa nobya niya na sunduin siya ngunit nahihiya pa rin siya. Kaya naman niya magtungo roon sa mall mag-isa upang doon na lang magkita. Magkasama na silang dalawa ngunit hindi pa rin sila umaalis sa lugar kung saan nila napag-usapan na magkita dahil hinihintay pa nila ang kaibigan niyang si Britney. Isasama nila ito na magpaayos sa salon na kakilala raw nitong si Lavi. Nasa coffee shop na muna silang dalawa at kasalukuyang umiinom ng kape habang naghihintay. Nagkatinginan sila ni Lavi kaya naman napangiti siya rito. “Nagutsuhan mob a iyong damit na dinala ko?” Tumango siya kaagad. “Oo naman. Pero bakit hinid mo ako

