CHAPTER 73 KINABUKASAN AY naging maaga ang gising ni Kirsten. Bukod sa excited siya sa gaganaping reunion, kabado rin siya. Ito kasi ang unang beses na makikita niya muli ang mga kaklase at dating kaeskwela. Wala siyang balita sa mga ito at tanging si Kurt lang ang nagsasabi kung ano ang mga trabaho ng mga dati nilang kaibigan. Naging tutok din kasis iya sa trabaho bilang modelo kaya naman wala talaga siyang panahon na makipagkita sa mga iyon. Pati na ang kaibigan na si Britney ay hindi rin masyadong nakikipagkita dahil kasama niya ito palagi sa bawat trabaho na mayroon siya. Kaya naman alam niya na pati ito ay excited na rin talaga. “Gising ka na ba?” tanong ng kaibigan niya sa kaniya nang sagutin nito ang tawag niya. Natawa siya nang mahina. “Malamang. Sasagutin ko ba ang tawag mo k

