CHAPTER 72 MASAMA ANG tingin ni Selendria kay Lavi nang makalabas sila ng opisina. Huminga naman nang malalim si Lavi dahil kinakalma niya ang sarili at nagpipigil siya na huwag makapagsalita nang hindi maganda sa kaibigan dahil ayaw naman niyang masaktan ito. Hindi niya sinasalubong ang mga mata nito kahit pa alam niyang dapat ay tingnan niya ito. “Bakit ba gusto mo akong makausap? Saka bakit ganoon? May lakad ka pala na hindi ko alam? Hindi ba at isa sa usapan natin na i-uupdate mo ako kahit na anong mangyari?” Kunot ang noong tanong ni Selendria sa kaniya. Alam niyang sinabi nga niya iyon noon noong makipaghiwalay siya rito. Bagay na pinagsisisihan niya dahil pakiramdam na naman niya ay nasasakal siya. Kahit na matagal na silang hiwalay nito, pakiramdam niya ay hawak pa rin siya nito

