CHAPTER 95 KANINA PA tinitingnan ni Kirsten si Lavi habang nasa harapan ito ng working table kung saan nakalagay ang mga materials nito sa pagdidisenyo ng gown. Hawak nito ang lapis habang ang medida naman ay nakasampay sa mga balikat. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa note pad nito. Binabasa nito ang sukat ng katawan ng taong nagpagawa dito ng gown na gagamitin sa isang grand ball. Lumapit siya rito saka sinilip ang ginagawa nito. “Bakit?” Parang nagulat pa ito sa biglaan niyang pagsulpot sa gilid. “H-ha?” “May problema ba? Kanina ka pa kasi nakatitig sa notepad mo,” tanong niya saka sinandal ang pang-upo sa mesa. Nakita niya kung paanong huminga ito nang malalim saka binitiwan ang notepad. Tumingin ito sa kaniya. “Hindi ako makapag-focus,” anito na bakas ang lungkot sa mg

