CHAPTER 96 NANG LUMIPAS ang kulang trenta minuto ay noon napagpasyahan ni Kirsten na magtungo sa loob ng opisina ni Lavi. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Nang makita niyang si Lavi na lang ang tao roon ay pumasok siya. Natanaw ni Kirsten si Lavi na nakatayo sa harapan ng malaking wall na gawa sa salamin at nakatanaw sa labas ng building. Mula roon ay matatanaw sa labas ang iba't ibang mga building ng ibang mga kumpanya pati na ang kalsada na may nakakatuwa ang disenyo pati na rin ang malawak na kalangitan na kulay bughaw. Mataas ang tirik na araw sa labas at dahil wala sa tapat nila yun ay hindi nila ramdam ang sikat. Malakas din ang bugso ng airport sa buong office kaya naman malamig sa loob. Tumikhim si Kirsten upang kuhanin ang atensyon ng nobya ngunit nanatili itong nakati

