CHAPTER 78 HINDI INAASAHAN ni Kirsten na mauuwi sa ganoon ang reunion. Okay naman siya kina Kurt at sa iba nilang mga dating kaklase at ka-batchmate. Ngunit si Anastacia, halatang malaki ang galit sa kaniya. Wala siyang matandaan na may kasalanan siya rito noon. "Sana tinawag mo ako para naman nasabunutan ko ang isang iyon! Ang arte niya. Akala mo kung sino e nakapangasawa lang naman siya ng mayamang businessman kaya siya umasenso!" Inis na wika ni Britney. Hindi niya na napigilan ito sa paglalabas ng sama ng loob. Hinayaan na lang din niya dahil kahit siya ay naiinis din. Nilingon niya si Lavi na nakatingin lang sa kaniya. Nahihiya siya rito dahil hindi niya inaasaham na mababastos ito sa ganoong paraan. Hindi niya ginusto ang nangyari. Hindi naman siya sisisihin nito at hindi ito ma

