CHAPTER 77 NAUNANG BUMABA ng kotse si Lavi nang makarating sjla sa venue ng gaganaping reunion. Gumawi siya sa shot gun saka pinagbuksan ng pinto ng kotse si Kirsten. Si Britney naman ay nagkusa na buksan ang passenger seat upang makalabas. May mga iilang mga tao na siyang bumababa rin ng mga sasakyan. Ang ilan ay halatang mayayaman na may mga alalay pa. Ang ilan pa at may mga body guards. Nilahad ni Lavi ang kamay sa harapan ni Kirsten at hindi naman siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. Sumilay ang ngiti siya sa mga labi nang makita niyang malalam ang mga mata ng girlfriend niya habang nakatingin ito sa kaniya. Inabot muna ni Lavi ang susi ng dala nilang sasakyan sa isang lalaki na nakauniporme. Humarap ito sa kaniya saka sila humakbang ngunit tumigil din agad. "Saan tayo?" tanong

