“I’LL COME home tonight, honey. I’m sorry. There was a situation at the hospital. No, hindi mo na `ko kailangang dalhan ng damit na pamalit. May mga damit pa `ko sa locker. I’ll make it up to you, I promise. Take care. `Love you.” Napasimangot si Nicole habang nakatingin sa likod ni Keith. Nagisnan niya itong may kausap sa cell phone. Dahil nakatalikod ito sa hospital bed niya, hindi kaagad nito napansin na gising na siya. Ito lang ang nasa silid, wala roon ang manager niya. “Who was that?” she demanded as soon as he took the phone off his ear. Napapitlag ito at muntik nang mahulog sa sofa na kinauupuan nito. Gulat na nilingon siya nito. “Oh, you’re awake,” he said rather calmly. “I asked you a question.” Tinaasan siya nito ng isang kilay na tila hindi nito mapaniwalaan na may lakas n

