HAPONG-HAPO na si Keith pag-uwi niya sa unit nila ng pamangkin niya. Naihatid na niya sa bahay nito si Nicole. Nagbilin siya na magpahinga na ito at huwag magpapagod. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa sofa. Mahirap paniwalaan ang mga nangyari sa buhay niya. Gulong-gulo ang isip niya ngunit kakatwang hindi siya nagkaroon ng urge na tumakbo. Maybe because he knew Nicole wouldn’t chase after him. Alam niya na kakayanin nito kahit na wala siya. Or maybe he simply wanted to be there for her. Maaari niya itong iwan sa ospital. Kailangan niya ng space at panahon upang mapag-isipan ang lahat, ngunit may malaking parte sa kanya na ayaw mawalay rito. They were having a baby. Magiging tatay na siya. “You’re home!” masayang bulalas ni Charlene paglabas nito sa silid nito at nakita siya. Nilapi

