BINISITA ni Nicole nang araw na iyon ang bahay niya. Nagdesisyon siya na ibenta na lang iyon at bumili ng panibago. Plano niyang kumausap ng real estate agent upang asikasuhin ang pagbebenta. Hindi pa niya naiisip kung saan niya ilalagay ang ilang mga gamit niya. Sisimulan na siguro niya ang paghahanap ng bahay na malilipatan. She loved being with Keith but she also had to think of her future. Mas makakampante siya kapag alam niyang may mauuwian siya, may sarili siyang bahay. Nais niyang mapabuntong-hininga nang maalala niya si Keith. Halos wala itong kibo nitong mga nakaraang araw. Tila palagi itong wala sa sarili o hindi kaya ay distracted. Madalas niya itong nahuhuli na nakatitig sa kanya ngunit tila hindi siya nakikita. Tila malalim palagi ang iniisip nito. Kapag tinatanong niya it

