NANG mga sumunod na araw ay nagbalik si Nicole sa dati niyang mundo. She started making public appearances again, letting her presence be known. Naging aktibo siya sa social media. Pinili na lang niyang huwag munang pansinin ang mga negatibong sinasabi tungkol sa kanya. Nagpapaunlak siya ng ilang interviews ng press ngunit hindi siya gaanong nagbibigay ng komento tungkol sa hindi matapos-tapos na issue nila nina Jerome at Jessie. Ikinagulat pa nga niya nang tanungin siya kung ano ang reaksiyon niya sa napapabalitang paghihiwalay ng dalawa. “Hindi na siguro importante kung ano ang reaksiyon ko,” nakangiting tugon niya. “Wala naman na akong kinalaman sa relasyon nila. Masaya ako ngayon sa buhay ko at ayokong makialam na sa kanila.” Nang hindi makuha ng mga ito ang inaasahang reaksiyon mul

