AT-HOME na at-home na kaagad si Nicole sa unit ni Keith. Hindi siya naiinip kahit na maghapon lang siyang nasa bahay kasama si Manang Lila. Marami siyang natutuhan sa matandang babae. Mahilig itong magluto at malugod nitong ibinahagi ang mga kaalaman nito sa kanya. Sinasamahan pa niya ito sa grocery para mamili. Nalaman niya na beinte-dos anyos ito nang maging domestic helper ito sa Hong Kong. Pagkatapos ng pitong taon ay sinubukan nitong magtungo sa Canada. Limang taon daw itong nanatili roon at kung ano-anong trabaho ang pinasukan nito hanggang sa isang kaibigan nito ang nag-alok dito ng trabaho sa New York. Matagal daw itong nangamuhan sa isang mayamang pamilya sa Manhattan. Nakilala nito si Keith dahil kaibigan ito ng anak ng amo nito. Nang dumating daw si Charlene sa New York ay pini

