“HINDI mo na kailangang magluto, Nic. Papagurin mo lang ang sarili mo. O-order na lang ako sa restaurant para sa hapunan natin.” “Gusto kong magluto,” giit ni Nicole kay Keith habang naglilista ng mga bibilhin niya sa grocery store. Kadarating lang nito galing ng ospital nang umagang iyon. Ipinaghanda kaagad niya ito ng almusal. Habang kumakain ay sinabi nito sa kanya na may mga darating silang bisita mamayang gabi. Kakausapin daw ito tungkol sa isang proyekto ng Cattleya Foundation. Nais sana niya itong tanungin kung ano ang proyektong iyon ngunit nagdesisyon siya na ipagpaliban iyon hanggang sa makapagpahinga ito. Nagdesisyon kaagad siya na siya na ang magluluto para sa kakainin mamayang hapunan. “Ayaw mo na yata sa mga luto ko, darling?” Sasama talaga ang loob niya kapag sumagot ito n

